^

Pang Movies

Elmo at Janella tampok sa Wansapanataym

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang Pamaskong handog ng Wansapanataym Presents: Si Maganda at ang Chauvinist Baboy ngayong Linggo (Dec. 27).

Anak ng matulunging mag-asawa na sina Carlos at Anna ang batang si Jessie (Elmo Magalona) kung kaya naman napusuan siyang gawing inaanak ng dalawang fairies ni Santa Claus. Biniyayaan ng fairies si Jessie ng kakisigan at katalinuhan, kung kaya sa kanyang paglaki, maraming babae ang nagkaka-gusto sa kanya. Ngunit dahil sa antensyong kanyang nakukuha, yumabang at tumaas ang tingin ni Jessie sa kanyang sarili. Dahil dito, na-disappoint sa kanya si Irene (Janella Salvador), ang babaeng humahanga kay Jessie at ang favorite letter sender ng dalawang fairies.

Gamit ang magic eyeglasses mula sa mga fairies, nakita ni Irene na anyong baboy ang puso ni Jessie na sumasalamin sa kanyang pagkatao. Para hindi na siya makapanakit pa ng ibang mga babae, hiniling ni Irene na maging baboy si Jessie. Ayon sa fairies, mawawala ang sumpa kung may tunay na magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang pagiging anyong baboy.

Makahanap kaya si Jessie ng babaeng magbibigay sa kanya ng tunay na pagmamahal? Matutunan niya pa kayang magpakumbaba?

Kasama din sa Wansapanataym Presents: Si Maganda at ang Chauvi­nist Baboy sina Ramon Christopher, Christian Vasquez, Cheska Iñigo, Malou Canzana, Mutya Orquia, Myel de Leon, at Leo Rialp.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Onat Diaz at panulat ni Mari Lamasan. Huwag palampasin ang mga kwentong kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Si Maganda at Chauvinist Baboy ngayong Linggo (Dec 27).

vuukle comment

ANG

CHAUVINIST BABOY

CHESKA I

CHRISTIAN VASQUEZ

ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR

JESSIE

LEO RIALP

LINGGO

SI MAGANDA

WANSAPANATAYM PRESENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with