^

Pang Movies

Mali ang diskarte: Young actor, panay ang sumbong sa mga premyong hindi pa natatanggap

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Super emote ang young actor dahil hindi pa raw nito natatanggap ang mga premyo na napanalunan nang mag-win sa artista search ng isang television network.

Hindi nga nagrereklamo ang young actor pero panay ang kuwento niya sa ibang mga tao at ito naman ang nagkakalat ng tsismis.

Mali ang diskarte ng young actor. Kung talagang may reklamo siya, kausapin niya nang diretso ang mga involved sa contest na kanyang sinalihan dahil tiyak na may paliwanag sila.

Sa ginagawang pagkukuwento ng young actor, lumalaki ang isyu na nagiging intriga at hindi makakatulong sa kanyang problema.

Matteo nakaligtas sa bagyo

Masuwerte si Matteo Guidicelli dahil hindi siya naabutan ni Typhoon Nona sa Camarines Sur.

Noong Sabado ang show ni Matteo sa CamSur, bumalik siya ng Maynila noong Linggo at kahapon nanalanta sa Bicol si Nona.

Kinansela kahapon ang ibang mga show sa CamSur dahil sa masungit na lagay ng panahon. Kung hindi kaagad nakabalik ng Maynila si Matteo, siguradong stranded siya sa CamSur.

Cancelled ang maraming flights dahil kay Typhoon Nona. Taun-taon na lang sa tuwing nalalapit ang Pasko, binibisita ng malakas na bagyo ang ating bansa at epekto pa rin ito ng climate change.

Ipagdasal natin na humina ang bagyo, alang-alang sa mga kababayan natin na may karapatan na maging masaya sa darating na Pasko.

Maraming beses nang napatunayan na napapahina ng mga taimtim na dasal ang mga super bagyo sa Pilipinas.

‘Happy birthday Amy!’

Belated happy birthday kay Amy Austria na nagdiwang ng kaarawan noong December 13.

Hindi nagkaroon ng bonggang birthday celebration si Esmeng. Naghanda lamang siya ng pagkain sa Bible study nila ng kanyang mga kaibigan.

Knowing Esmeng, malamang na nag-donate na lang siya sa charity kesa mag-party.

Ganyan kabuti si Amy na isa sa mga pinakamabait na alaga ko kaya sunud-su­nod ang mga blessing na dumarating sa buhay niya. Happy birthday Amy!

Kung walang mga dyowa Jericho at Jennylyn, posibleng magka-forever

Milyones na pala ang views sa trailer ng Walang Forever ng Quantum Films kaya naniniwala sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado na may market ang kanilang pelikula na kasali sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

May asawa na si Jericho at going strong pa rin ang relasyon ni Jennylyn kay Dennis Trillo pero malakas ang chemistry ng dalawa sa mga eksena nila sa Walang Forever.

Kung bina­ta si Jericho at walang boyfriend si Jennylyn, hindi malabo na magkaroon sila ng relasyon dahil parehong mga hopeless romantic ang mga bida ng Walang Forever.

Unang napanood ni Jericho si Jennylyn sa filmfest movie na Rosario at noon pa man, gandang-ganda na siya sa kanyang kapareha. Hindi pumasok sa isip ni Jericho na darating ang araw na magtatambal din sila ni Jennylyn sa isang filmfest movie.

‘Pupusta ako’ Bituing Walang Ningning siguradong babalik sa 2016

Kagabi pala ang last run ng musical play na Bituing Walang Ningning.

Ilang beses na ibinalik ang Bituing Walang Ningning sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, due to insistent public demand.

Nag-goodbye kagabi ang Bituing Walang Ningning pero pupusta ako na ibabalik uli sa 2016 ang musical play na critically-acclaimed, paulit-ulit na pinanonood at humakot ng parangal sa Aliw Awards.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BITUING WALANG NINGNING

HINDI

JENNYLYN

MATTEO

MGA

STRONG

TYPHOON NONA

WALANG

WALANG FOREVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with