^

Pang Movies

Bagong lalaki ni Andi, suportado ang anak na si Ellie

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Naggu-glow si Andi Eigenmann during the presscon of her soon-to-be released movie, Angela Markado, which is understandable. She plays the title role in the movie, which, according to director Carlo J. Caparas, will earn her the title “markadong” aktres.

At nag-agree rito ang mga nakakita sa trailer na napakagaling nga ni Andi sa kanyang performance bilang isang gang rape victim.

Bale ba, iba’t ibang klase ang pangre-rape ang ginawa sa kanya ng kanyang mga rapist.

In the case for example of the rapist played by Paolo Contis, iginagapos muna niya si Andi, as Angela, at pagkatapos ipinahihila sa isang kabayo.

Sa kuwadra ng kabayo iniraraos ni Paolo ang panggagahasa kay Andi.

But, as Paolo said, bagama’t onscreen, it would appear na brutal ang ginawa niyang panggagahasa kay Andi, ‘di puwedeng sabihin ni Andi na inabuso niya ito in the true sense of the word. Na inayunan naman ng kanyang mga supposed fellow rapists sa Angela Markado, namely Polo Ravales, Felix Roco, CJ Caparas at Epi Quizon.

Yes, saad ni Andi, ang gagaling na rapists ng mga nabanggit na aktor.

She would just love to work with them again.

‘Di rin ipinagkakaila ni Andi na in love siya sa kasalukuyan.

Well, to someone na wala sa showbiz. And, happily, naging malapit daw kaagad ang kanyang four year-old na anak na si Ellie sa lalaki.

Of her daughter, she now attends school, pagbabalita ni Andie. Ellie is able na to write her name na.

Mga sinehan, jampacked sa Bea-John Lloyd movie!

It was an unusually big premiere night ang ginanap ng Star Cinema for their movie, A Second Chance. A Second Chance, now in exhibition in theaters nationwide.

Tatlong malalaking sinehan ang ginamit to simultaneously show the movie. And all theaters were jampacked.

No wonder na grinning from ear-to-ear sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, as they took time to greet the crowd in two of the theaters, as they chose to watch A Second Chance in Cinema 10, kung saan naroroon si Malou Santos, managing director ng Star Cinema, which produced the movie.

It was in Cinema 10, too, where most of their fellow Kapamilya ay naroroon, namely Enrique Gil at Liza Saberano, Pinoy Big Brother (PBB) 737 champ Miho Nishida, who was escorted by her first runner-up Tommy Esguerra, Maja Salvador, Darren Espanto and Daniel Padilla (minus Kathryn Bernardo).

Present too were Lloydie and Bea’s co-stars, Janus del Prado, Ahron Villena, Kahlil Ramos and Bea Saw.

Of course, A Second Chance director Cathy Garcia-Molina also graced the premiere.

Mga kawatan, buhay na buhay sa loob ng mall

Warning nga lang pala sa mga nag-a-attend ng events sa isang mall, tulad nga ng Megamall.

Nanakawan ng mamahaling cell phone ang isang kasamahan namin, nang umakbay sa kanya ang isang mukhang disenteng babae. Na ang buong akala niya ay kasama ng grupo.

Too late na nang ma-realized niyang nahugot na nito ang kanyang cell phone na kagagamit lang niya from her bag. Mamahalin pa raw naman ang cell phone.

Isang beses sa premiere ng isang movie rin, buong bag ng Mommy ng isang kilalang aktor ang naagaw sa kanya, nang may biglang sumalubong sa kanyang babae nang humahakbang na siya paalis sa escalator na kanyang sinakyan.

Usually kasi, kapag gabi na, iilan na lang ang taong umaaligid sa bawat floor ng mall. At wala ring security guard around.

A SECOND CHANCE

ACIRC

AHRON VILLENA

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

BEA ALONZO

BEA-JOHN LLOYD

ISANG

STAR CINEMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with