Mga lalaking nakarelasyon nawiwindang na gay showbiz personality ikakanta na ang mga natikman!
Kinakabahan na ang mga mhin na nakarelasyon ng isang gay showbiz personality.
Worried sila dahil sa pralala ng gay showbiz personality na papangalanan nito ang mga mhin na naging boyfriend niya.
Dapat kabahan ang mga mhin dahil baka hindi alam ng kanilang pamilya o mga girlfriend na pumapatol sila sa bading. Malaking kahihiyan nga naman ‘di ba?
Well, ganyan ang nangyayari sa mga tao na maraming sikreto sa buhay. Sa ayaw at sa gusto nila, darating ang araw na kailangang harapin ang katotohanan at ang nakaraan. The past will always haunt them.
Nadine nagpakatotoong gustong mag-Darna!
Nakarating na kay Nadine Lustre ang balita na siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa survey ng isang online entertainment website tungkol sa mga aktres na may karapatan na gumanap na Darna sa pelikula ng Star Cinema.
Hindi nagpaka-ipokrita si Nadine. Hindi siya nagpa-tweetums o nagpanggap na hindi niya type na maging replacement ni Angel Locsin.
Buong ningning na sinabi ni Nadine na “Of course I want, gusto ko po siyempre kasi Darna ‘yun ‘di ba? It’s a privilege na maging Darna ka. Bigyan nila ako ng gym time, bigyan nila ako ng time mag- train pero bahala na I don’t know, wala pang sinasabi sa akin,” ang walang kiyeme na sey ni Nadine.
Fabio pinagtatawan kahit drama ang eksena
Mahusay na Destiny Rose si Ken Chan dahil hindi lang ang physical appearance ang binago niya.
Pati ang boses ni Ken, babaeng-babae kaya convincing siya sa kanyang transwoman role sa afternoon bekiserye ng GMA 7. Ang akala ko nga, may nag-dub ng boses ni Ken pero tunay na boses niya ang kanyang ginagamit.
Hindi nagkamali ang Kapuso management sa kanilang desisyon na piliin si Ken para gumanap na Destiny Rose dahil nabibigyan niya ng justice ang kanyang karakter.
Isa lang ang reklamo ng viewers ng Destiny Rose, ang baluktot na pagsasalita ng Tagalog ni Fabio Ide na love interest ni Ken. Natatawa raw sila kapag nagsasalita si Fabio, kahit drama ang mga eksena.
Bagay naman kay Fabio ang role dahil parang as himself lang ang role niya sa Destiny Rose. Baluktot naman talaga ang pagsasalita niya ng wikang Pilipino.
Mga aswang dadalo sa premiere ng Wang Fam
Reminder, tonight na ang red carpet premiere ng Wang Fam sa SM Megamall Cinema.
Confirmed ang pagdalo ng buong cast ng horror comedy movie ng Viva Films.
In character na dadalo sa premiere night ang stars ng Wang Fam dahil isusuot nila ang kanilang mga aswang costume sa pelikula.
Hindi lamang ang cast ng Wang Fam ang aapir sa bonggang premiere night dahil susuportahan ito ng ibang mga artista ng Viva Artists Agency.
Hindi napaghandaan APEC leaders sinalubong ng bumagsak na arko sa CCP
Kawaawa ang mga kababayan natin kahapon na napilitan na maglakad nang malayo dahil hindi gumagalaw ang traffic sa Metro Manila at epekto ito ng pagdating ng world leaders sa Pilipinas para sa APEC Summit 2015.
I’m sure, na-witness ng mga VIP guest ang pagdurusa ng mga pobreng Pinoy na naglakad habang tumatagaktak ang pawis dahil tirik na tirik ang sikat ng araw.
Mabuti pa yata, idineklara na rin na holiday kahapon at ngayon para naiwasan ang problema kahapon sa trapik.
Red alert ang PNP dahil sa APEC pero hindi nila napaghandaan ang pagbagsak ng arko ng Welcome Delegates sa Cultural Center of the Philippines area. Nadaganan ng Welcome Delegates sign ang isang police car. Thank God, hindi ang mga sasakyan ng delegates ang naperwisyo or else, sira na naman ang image ng Pilipinas sa international scene.
- Latest