^

Pang Movies

Kaya nami-miss si FPJ, Sharon wala nang maiyakan!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakasipot ng isang taping ng Your Face Sounds Familiar si Sharon Cuneta dahil nag-chill siya. Hindi kasi siya nag-post sa kanyang Facebook at Twitter accounts ng kalagayan niya ayon sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa show ng huli last Thursday kaya marami ang nag-alala sa kanya.

“Because usually, I ask for prayers and I realized, if every time I ask for one hundred pesos, every time I ask for prayers, ang yaman-yaman ko na! Ha! Ha! Ha! panimula ni Sharon.

“When I was hospitalized this was mid-August and that was after three weeks of coughing non-stop. And I have taken two weeks worth of anti-biotics and that’s the problem with self-medicating eh. When you self-medicate, minsan, you don’t address pala the right problem eh.

“I had viral infection. It was viral and fungal! So I was hospitalized for a couple of days and I was not allowed to be visi­ted. My family will come and wear mask. Except for Kiko na malakas ang resistensya. Strong. My little boy got sick so we said do not come na.

“I had a very, very, very fast heart rate since early 2000s. So sometimes, when I wake up in the mor­ning, my heart is…This is a stuff that I will only tell to Kuya Boy but now, this is my life I would be telling to the whole world! Ha! Ha! Ha! I’m sorry!

“It’s just a fast heart rate. It’s under control so they are trying to make timpla dosage of certain medicines. ‘Yung paggising ko sa umaga, dapat, well-rested ka. Ang explanation ng cardiologist, ‘yung parang kagigising ko lang, para akong nag-jogging!

“So parang I’m tired na and I have alta presyon when I’m stressed. That’s because sometimes, my body is really tired but my mind does not stop. I’m like my dad.

“I cannot also spend time with my dogs!

“Sometimes kasi, lagi kong pinipilit. I push myself. Pahinga ka naman, hija! So what happens if kinukontra ko. Biglang nabibinat na ako. Bumibigay na ako!” paliwanag ni Sharon sa naramdaman niya kailan lang.

Sa isang show ng YFSF, ginaya ni Kean Cipriano si Fernando Poe, Jr. kaya naman hindi napigilan ni Shawie na umiyak sa episode.

“They’ve always been family to me. Tita Susan (Roces), Grace (Poe) from the time she was young. I would talk to Tita Susan on the phone. He would come to visit me on my set. Lagi siyang nandiyan. We were constantly in touch.

“’Yung wala akong masumbungan ngayon! Wala akong maiyakan na maa-advice!” rason ni Shawie.

“I really missed him!” bulalas pa ng Megastar.

May part 2 pa ng interview ni Kuya Boy kay Shawie at baka sa susunod ay matanong na ang Megastar kung susuportahan niya si Sen. Grace Poe sa 2016, huh!

Location ng kalyeserye hindi na rin ibinubunyag para iwas-dumog ng fans

Ibinuking ng nabunot na babaeng sa Sugod Bahay Gang ang totoong lugar na kinalalagyan ng segment ng Eat Bulaga kahapon na Juan For All! All For Juan! Ang unang biro ni Jose Manalo, nasa Malabon City sila. Pero sinuway siya ni Wally Bayola na wala sila sa lugar na ‘yon dahil baka magsuguran ang mga tao roon.

Kung dati ay inilalagay pa sa TV screen ang location ng Bulaga everyday, at ang venue na lang tuwing Sabado ang hindi na idinidispley, ngayon ay lahat ng locations nila ay hindi na pina-flash sa screen.

Marami na kasing instances na uncontrollable na ang crowd tuwing kalyeserye para masilip man lang si Yaya Dub/Maine Mendoza. Hindi na rin nila pinupuntahan ang bahay ng masuwerteng nabubunot sa Sugod Bahay. Mahirap nga namang malamog ng crowd!

Kaya sa Bulaga, dadalaw sa Broadway Centrum sina Yaya Dub, Lola Nidora (Wally), Lola Tidora (Paolo Ballesteros), at Lola Tinidora (Jose). At least doon, safe na safe sila at take note, isa si Mother Lily Monteverde sa nagsabing manonood ng Bulaga sa Broadway, huh!

ACIRC

ALIGN

ALL FOR JUAN

ANG

BOY ABUNDA

BULAGA

LEFT

QUOT

SHAWIE

STRONG

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with