^

Pang Movies

Matapos makulong sa Malaysia, Mocha Girls gagastos sa kanilang asunto!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaloka ang nangyari sa Mocha Girls sa Malaysia dahil anim na araw sila na ikinulong sa detention center ng Bureau of Immigration and Deportation.

Nakalaboso ang Mocha Girls dahil nag-perform sila ng walang permit at hindi dahil sa kanilang sexy production number.

Aral sa lahat ng mga Pinoy artist ang karanasan ng Mocha Girls, ang huwag mag-perform o tumang­gap ng mga raket sa ibang bansa ng walang working permit.

Plano ng Mocha Girls na idemanda ang promo­ter na nagdala sa kanila sa Malaysia pero nangyari na ang nangyari. Nalagay na sila sa kahihiyan at nakakapraning na sitwasyon.

Kawawa naman ang Mocha Girls. Sila na ang naperwisyo, sila pa ang gagastos sa asunto.

Alden ibinulong kay Papa Joey na iba na ang nararamdaman kay Yaya DUb

Ibinulong daw kahapon ni Alden Richards kay Joey de Leon na parang iba na ang nararamdaman niya para kay Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Kahit hindi nag-confide si Alden kay Papa Joey, halata sa kanyang mga kilos at facial reaction ang pagkagiliw niya kay Maine at napansin ito nina Wally Bayola at Jose Manalo dahil hindi na akting ang ginagawa nila ni Yaya Dub.

Matagal nang walang girlfriend si Alden at ito na yata ang tamang panahon para muli siyang magmahal.

Singer-actor na naadik na sa retoke, umalsang parang gulaman ang mukha!

Kalurky ang singer-actor na umalsa ang mukha dahil sa collagen filler na ipinalagay niya.

Hindi na natural ang itsura ng singer-actor dahil  nasobrahan na yata sa collagen filler ang kanyang pisngi kaya malaki na ang ipinagbago ng face value niya.

Gabi-gabi rin na lasing ang singer-actor kaya naging puffy rin ang kanyang mukha.

Worried na ang concerned friends ng singer-actor dahil hooked na ito sa pagpaparetoke at parang hindi niya napapansin ang bad e­ffects sa kanyang physical appearance.

‘Ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga tumangkilik ng Startalk

Touching ang mga message na natanggap namin sa farewell episode kahapon ng Startalk.

Marami ang nagpahatid ng mensahe na mami-miss nila ang a­ming show na naging bahagi ng kanilang mga buhay.

May kuwento na 4-years old pa lang siya nang magsimula ang Startalk noong 1995 at nakasanayan na niya na panoorin ang aming show.

May mga nag-emote na magbabago na rin ang kanilang viewing habits, kasabay ng pagbababu kahapon ng Startalk na tumagal ng 20-years sa telebisyon.

Hindi napigilan ng Startalk staff ang maging emosyonal dahil sa katotohanan na tumaba, pumayat at tumanda na sila sa Startalk, pati na ang life lessons na natutunan nila.

Dahil sa Startalk, nakarating sila sa maraming lugar, nakahalubilo ang iba’t ibang klase ng mga artista, nagkaroon sila ng mga celebrity friends at kung anik-anik pa. Sa mga tumangkilik sa Startalk sa loob ng dalawampung taon, ang aming taos-puso na pasasalamat.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

DAHIL

MGA

MOCHA GIRLS

PAPA JOEY

SILA

STARTALK

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with