^

Pang Movies

Jennylyn pang-serye lang ang ginagawa kay Dennis

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sunud-sunod halos ang mga drama series na kung baga sa hot pandesal, kakahango lang sa pugon dahil sa rami nang bumibili naubos lahat.

Ratsada ang GMA-7 sa mga natapos na sulatin ng kanilang group of writers, ‘yung tinatawag na Creative Team sa ilalim ng batikang manunulat na si Roy Iglesias with writer­s Suzette Doctolero, Geng Delos Reyes Delgado, Lei Chavez, I-mee Katanyag at Jason Leins.

Mga matitinik na writer na mga unsung heroes ding matatawag dahil habang pinapanood sa TV or mo­vies ang mga obra nila, hindi nakasulat o nakadikit sa pangalan ng mga karakter na sila ang writers. Gets mo?

E, nalaman namin na ang grupong ito ay may nakahanda na story na pang serye up to Christmas. Maagap sila dahil para ‘di magipit kapag sinabi ng mga big boss nila sa GMA 7 na kailangan ng ganitong pang-premiere time show.

Halos lahat naman ng mga ginawa nila naipalabas na at nagwakas na sa ere ay nagklik, pinag-uusapan, hinangaan, etc.

Ngayon, heto na naman ulit ang bagong susubaybayan ng mga kapuso. Start ng August 10, Mondays - Fridays ay ang pangkilig love team. Sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Yes, kinikilig na ang kanilang fans at dream pa nga nila ay magkatuluyan ulit. Malay! E, Kasi di ba dati silang Love pa more!

Super faithful daw talaga ni Dennis sa My Faithful Husband. Kaso hindi pwedeng sabihin ni Jennylyn ang mga katagang My Faithful Husband. “Pampelikula na lang,” sagot ni Jennylyn sa super ganda kaya ngayon.

Madrama pala ang tema ng said series na direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Makakasama sa cast sina Loyd Samartino, Ricky Davao, Timmy Cruz, Nonie Buencamino, Snooky Serna, Rio Locsin, Louise Delos Reyes, Kevin Santos, Julia Lee, Aaron Yanga, Jazz Ocampo, Rexey Royce at Gerald Napoles. Bigat!

Batikang mang-aawit na si Carmen Soriano may libreng pa-concert sa mga senior citizen!

May promise si Loyd Samartino na magpapa-concert ang mommy niya, ang babaeng walang kupas with Pilita Corales. Nasunod nila ang tubig sa fountain of youth, ‘di ko alam kung saang lupalop ito matatagpuan. Ang aming tinutukoy ay si Ms. Carmen Soriano. Active pa naman sa acting ang aktres/mang-aawit, isa siya sa cast ng TV series ng GMA-7 na The Half Sisters pero namatay siya. Ayon kay Loyd, aanyayahan ang mga 19 kopong-kopong na entertainment writers for free huh, dahil nami-miss daw nila ng ermat niya ang mega senior citizen movie press. Oo naman. Eh ‘di agad-agad na!

Timmy Cruz balik-entablado na!

Masaya rin si Timmy Cruz, isang magaling na singer-songwriter na sikat na sikat noon, pero nawala siya sa limelight for personal reason.

Now balik limelight siya at mayroong nakatakdang project sa stage, concert.

Nakalabas na sa music de hot ang kanyang bagong album entitled Timmy Cruz, Circles of Love. Ang nakakatuwa ay siya ang nag-composed ng mga song at iniaalay niya ito sa yumaong ina na si Lourdez Liwanag Lontok Cruz.  Matagal nang pangarap ni Timmy ang makapag-compose ng kanta at masalin sa album, ang inspirasyon ni Timmy kaya natapos niya ang said album ay ang kanyang ina.

Samu’tsari, meaning English at Tagalog ang mga song. Ilan sa mga kanta nito ay ang Wear a Smile, Butterfly, Dance with your Light, Lalala Love, Love, Chillay, Other Half , Circles of Love, Ako, One World, at Thank you.

vuukle comment

AARON YANGA

ACIRC

ANG

CARMEN SORIANO

CIRCLES OF LOVE

CREATIVE TEAM

GENG DELOS REYES DELGADO

LOYD SAMARTINO

MGA

MY FAITHFUL HUSBAND

TIMMY CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with