^

Pang Movies

Kalandian nina Dawn at Bea pinag-uusapan, Goma gustong maging seryoso

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pagkatapos ng pelikulang The Love Affair, balik-teleserye naman ang tambalan nina Richard Gomez and Dawn Zuleta sa You’re My Home. Matagal-tagal na rin nga naman ang huli nilang TV series na Walang Hanggan kaya it’s about time na mapanood silang muli sa telebisyon.

Say nga ni Richard, nag-e-enjoy daw talaga siya working with Dawn at marami rin daw siyang natutunan sa aktres.

 “Marami akong natutunan. Well, siguro isa yung dapat matuto akong maging seryoso sa buhay. You have to learn how to understand and forgive yourself and also the people that have hurt you before. 

“Pero yung mga memories na ‘yun, ‘yung mga experiences na ‘yun dapat hindi mo rin kinakalimutan. Lalo na sa aming mga artista. We try to keep that inside a cabinet para ‘yun ‘yung mga tools na nagagamit namin sa acting. And masakit man or masaya, we still have it with us. We keep it,” say ni Goma.

Samantala, si Dawn naman, ikinagulat niya and at the same time ay ikinatuwa niya na talagang pinag-usapan ang confrontation scene nila ni Bea Alonzo sa trailer kung saan ay sinabihan niya ang young actress ng “Malandi ka!” at sinagot naman siya nito ng “Look who’s talking!”

“Oo nga, na-dubsmash pa siya, trailer pa lang ‘yun, dear!” sambit ni Dawn.

Natutuwa rin siya na up to now ay buhay na buhay pa rin ang mga CharDawn fans at talagang sinusuportahan pa rin ng mga ito ang kanilang mga proyekto.

BF ni Ruffa tuloy ang pagtitimpi kay Annabelle

Kahit panay ang sabi ni Ruffa Gutierrez na wala pa naman sila sa seryosong lebel ng boyfriend na si Jourdan Mouyal, puring-puri naman niya ito sa pagiging sports at mapagpasensiya when it comes sa pagtataray ng inang si Annabelle Rama.

 “Kahit hindi pa siya sanay (sa intriga) and I’m sure, naninibago rin siya, hindi niya hinahayaan na masira siya or kami dahil sa intriga. And doon ako bilib sa kanya kasi di ‘ba, kung ibang tao ‘yun, my God, nagtago na ‘yun or sinagot-sagot na si Mommy. Syempre, hindi naman lahat ng tao, hahayaan na ganu’n. Siyempre ang mga foreigner, ano bang pakialam nila, ‘di ba?

“At saka, hindi naman siya showbiz, kahit awayin siya ni Mommy, wala naman siyang ina­alagaan na showbiz career, ‘di ba?

 “Kaya ‘yung ibang mga artista (na na-link dati sa kanya) diyan, lahat sila, takot kay Mommy, kasi kapag pumunta siya sa TV at sira-siraan na sila, wala na silang (magawa), ‘di ba? Kaya may takot sila,” say ni Ruffa.

Pero iba nga raw si Jourdan dahil talagang kahit anon’g gawing pagtataray ng Mommy niya ay dinededma na lang daw nito.

Kaya hinayaan na lang din daw niya ang Mommy niya dahil kung ipu-push pa niyang lalo na tanggapin si Jourdan, mas lalo pa raw itong magagalit.

 “Hayaan mo na ‘yung mga friends ko ang magsabi sa kanya kung anon’g klaseng tao si Jourdan. Or malalaman naman niya in the end na hindi ‘yung iniisip niya si Jourdan. Maloloka’t magugulat na lang siya.”

Saka hindi rin daw mahilig si Jourdan na pumapel.

 “Sabi ko sa kanya, “come to the wedding (of Elvis and Alexa)”, sabi niya, “no, it’s a family affair”. Parang hindi na siya umeeksena pa or nakikisingit. Parang kung iba ‘yun, pipilitin pa nila.

 “So, I think, I hope my Mom appreciates that,” sey pa ni Ruffa.

Walang tulong ng doctor Ipinagbubuntis ni Mariel produkto raw ng natural na love making

May mga nag-iisip na baka raw sumailalim sa IVF (In Vitro Fertilization) procedure ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez nang magbakas­yon sila sa Spain kamakailan kaya magkakaanak sila ng triplets base na rin sa Instagram post ng action star.

Pero klinaro na agad ito ni Mariel sa kanyang komento sa IG post ng mister. Ayon kay Mariel, wala raw IVF procedure na naganap at hindi  daw sila uminon ng mga kung anu-anong gamot.

 “I seriously can’t believe it. Oh my gosh!!! Because we didn’t do IVF. . .we didn’t take special medicine to produce more eggs. . .it’s all GOD’s gift!!!! I’m so happy!!!!!” post ni Mariel.

Sinagot naman ni Binoe si Mariel at komento niya, “God will make a way when it seems to be no way @marieltpadilla.”

Katakut-takot naman ang mga nag-congra­tulate kina Binoe at Mariel dahil sa napakagandang blessing na ito at lahat sila’y masaya para sa mag-asawa lalo na sa huli na nagkaroon ng miscarriage recently.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

JOURDAN

MARIEL

MGA

NAMAN

NBSP

NIYA

RIN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with