^

Pang Movies

Pamilya ni Jinggoy nabuo sa graduation ni Julian

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpapasalamat si Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan dahil pinayagan siya na lumabas sa PNP Custodial Center para dumalo sa high school graduation ng kanyang anak na si Julian sa O.B. Montessori sa San Juan City.

Hindi kalayuan sa Camp Crame ang O.B. Montessori kaya mabilis na nakarating sa graduation ce­remony ni Julian si Papa Jinggoy. Sa totoo lang, walking distance lang ang school ni Julian mula sa Camp Crame pero hindi naman puwedeng lakarin ni Papa Jinggoy ang lugar na pupuntahan niya. Sinamahan pa rin siya ng mga pulis sa school na walking distance rin sa bahay ni Papa Joseph Estrada sa Greenhills, San Juan. Hindi allowed si Papa Jinggoy na sumaglit sa bahay ng kanyang mga magulang dahil Camp Crame to O.B. Montessori lang ang permiso na ibinigay ng Sandiganbayan.

Pasado alas-dos nang hapon nang umalis si Papa Jinggoy sa Camp Crame at pinayagan siya ng Sandiganbayan na dumalo sa graduation hanggang 5:00 pm.

Agad na kumalat kahapon ang graduation pictures ni Julian, kasama ang kanyang mga magulang dahil inabangan ng media ang pagdating ni Papa Jinggoy sa O.B. Montessori.

Kaligayahan na ng mga magulang na makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kaya proud pa­rents si Papa Jinggoy at ang kanyang misis na si Precy.

Nag-aartista si Julian na huling napanood sa peli­kulang Relaks, It’s Just Pag-Ibig. Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral pero tatanggap siya ng mga TV at movie projects kapag maganda ang offer.

Nag-umpisa ang showbiz career ni Julian bilang child star. Ipinakilala siya sa Katas ng Saudi, ang pelikula na pinagbidahan nina Papa Jinggoy at Lorna Tolentino noong 2007. Pansamantalang nagpahinga si Julian sa showbiz at teenager na siya nang bumalik at pumirma ng kontrata sa Star Magic.

Taping ng serye ni Marian suwerte sa friday the 13th

Hindi totoo ang kasabihan na hindi magandang araw ang Friday the 13thdahil ito ang araw na nagsimula ang ta­ping ng The Rich Man’s Daughter, ang upco­ming teleserye ni Marian Rivera sa GMA 7.

Isa sa mga kinunan noong Biyernes ang heartwarming scene nina Marian at Gloria Romero.

Si Mama Glo ang gumaganap na lola ni Marian sa first tomboy-serye ng Kapuso Network.

Si Dominic Zapata ang director ng The Rich Man’s Daughter at tiniyak niya na magugustuhan ng televiewers ang kuwento ng relasyon nina Marian at Mama Glo bilang mag-lola.

Mapapanood ang The Rich Man’s Daughter sa May 2015 at isa ito sa pinaka-challenging teleserye ni Marian na gaganap na tivoli sa unang pagkakataon.

Pinag-usapan at certified hit noon ang My Husband’s Lover na si Dominic din ang director. May pressure kay Dominic dahil inaasahan ng mga tao na magiging kasing-successful ng My Husband’s Lover ang The Rich Man’s Daughter. Hindi pa rin nakakalimutan ng madlang-bayan ang kuwento ng mga kabaklaan sa My Husband’s Lover na nagpasikat kay Tom Rodriguez at sa loveteam nila ni Dennis Trillo.

vuukle comment

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

JINGGOY

MY HUSBAND

PAPA

PAPA JINGGOY

RICH MAN

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with