^

Pang Movies

Ayaw magpa-make-up at magpagalaw ng buhok: Starlet umaarte kaya hindi nagkaka-career!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-walkout ang isang kilalang make-up artist dahil sa nag-iinarteng female starlet nang minsang mag-guest ito sa isang celebrity talk show.

Hindi matiis ng make-up artist ang kasumpa-sumpang attitude ng female starlet na wala pa naman daw ipinagmamalaki pero kung umasta ay feeling superstar na.

Marami na raw naayusan ang make-up artist na ito pero ngayon lang daw siya nag-walkout dahil hindi niya ma-take ang panget na ugali ng female starlet.

“Nakakalokah naman kasi ang female starlet na ‘yan. Magge-guest siya sa show pero ayaw niyang magpalagay ng make-up sa mukha at ayaw niyang ipagalaw ang buhok niya.

“Ano feeling niya, maganda siya kapag wala siyang make-up? Natural ang beauty niya, gano’n? Please hindi siya maganda!” talak ng source namin na nasaksihan ang pag-inarte ng female starlet.

“Nagkataon lang na maputi siya pero wala siyang ganda kung hindi siya lalagyan ng make-up.

“Pinagsabihan na siya ng road manager niya na magpa-make-up na at magpaayos ng buhok dahil isasalang na siya in 30 minutes.

“Akala ng make-up artist ay okey na. Aba, noong sinabihan niya na umupo na ito para masimulan na, aba, hindi kumikibo at dedma ang female starlet.

“Doon na nag-init ang ulo ng make-up artist at tinago na niya ang mga gamit niya at nag-walkout. Natural nagulat kaming lahat dahil sumasakay na ng sasakyan niya ‘yung make-up artist.

“Sinabi nito na hindi niya gusto ang kaartehan ni female starlet. Makakasira raw ng imahe ng istasyon ang pinakitang masamang ugali ng bagong saltang starlet na ‘yan.

“Kaya ‘yung road manager ni female starlet ay tinalakan siya dahil napahiya ito sa ugali nito (starlet). Kung ayaw daw nitong magpaayos, umuwi na lang siya at isusumbong niya ito sa manager para lalo siyang mawalan ng trabaho ulit.”

Ang kaartehan nga raw nito ang siyang naging dahilan kung bakit natabangan sa kanya ang pinanggalingan nitong TV network at hindi na siya binigyan ng trabaho.

Luis sa ampunan nag-birthday

Kung noon ay magastos na party ang ginagawa ng aktor na si Luis Alandy tuwing sasapit ang kanyang birthday, this year ay sa isang bahay ampunan siya nag-celebrate ng kanyang ika-34th birthday.

Pinili ni Luis ang Manila Boystown sa Marikina City kung saan kasama niyang nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang higit kumulang 50 orphans na may edad 7 years old hanggang 15 years old.

Nakisayaw, nakikanta, at nag-games pa ang aktor kasama ang mga bata niyang bisita.

 “Mas naging meaningful at hindi ko makakalimutan ang birthday kong ito dahil imbes na ako ang regaluhan, ako pa ang nagregalo sa mga batang nakasama ko,” emote pa ni Luis.

Kasama siya sa nalalapit na primetime series ng GMA-7 na The Rich Man’s Daughter na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Huling napanood si Luis ay sa kanyang guest role sa Second Chances bilang namatay na mister ni Jennylyn Mercado.

Tinaguriang Pinoy Beatles, may album na!

Ni-launch na ng Star Music ang debut album ng all-brothers band na ng REO Brothers of Tacloban. Binubuo ang bandang ito ng magkakapatid na Otic na sina Reno, Ralph, Raymart, at RJ.

Very inspiring ang kuwento REO Brothers dahil kabilang sila sa mga na­ging survivors ng super Typhoon Yolanda na tumama sa kanilang hometown in Tacloban noong November 2013.

Dahil sa kanilang angking talino sa musika, nagawa nilang ikabuhay ito.

Nagsimula ang kanilang banda sa Tacloban noong 2009 pa at pormal silang pinakilala sa publiko via the ABS-CBN Christmas Special noong 2013.

Kuwento ng kanilang band leader na si RJ: “Sobra kaming kinakabahan noon kasi first time naming tutugtog sa harap ng maraming mga artista dito sa Manila. Tapos sa Araneta Coliseum pa.

“Nasanay lang kami sa probinsya at gamay na namin ang mga tao roon.

“Pero ginawa namin ang best namin at nabigyan pa kami ng standing ovation.”

Ang specialty ngang tugtugin ng REO Brothers ay ang mga nostalgic songs from the ’60 and ’70s. Paborito nila ay ang hit songs ng mga classic bands na Beach Boys, Dave Clark 5, Gary Lewis & The Playboys, at ang number one favorite nila na The Beatles.

Sa katunayan ay mina-market nga sila bilang Pinoy Beatles at sa mga nakapanood na sa kanila, kuhang-kuha nga nila ang performance ng original Beatles.

“Ngayon po ay ang mga tinutugtog namin ay mga OPMs naman tulad ng mga songs ng VST & Company, Hotdogs, at Juan dela Cruz Band. ‘Yung tinatawag nga nila na Manila Sound.”

Ang kanilang debut album na REO Brothers of Tac­loban ay may apat na revivals (Awitin Mo Isa­sayaw Ko, Manila, Titser’s Enemy Number One, Pinoy Ako), at dalawang original songs (O Bakit? at Ako’y Tinamaan) na gawa ni Vehnee Saturno.

Available na nationwide sa lahat ng music stores ang album ng REO Brothers of Tacloban for 199 pesos. Puwede ring ma-download ito via online music stores on iTunes and Mymusicstore.com.ph.

 

BROTHERS OF TACLOBAN

DAHIL

LUIS

MAKE

NIYA

SIYA

STARLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with