^

Pang Movies

Marian ipinauubaya sa Diyos ang pagbubuntis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kababalik lamang ni Marian Rivera-Dantes mula sa Kapuso Fans Day niya sa KCC Mall of GenSan. First GMA Regional TV fans day ito ni Marian ngayong Mrs. Dantes na siya at talaga namang dinumog ng mga tao ang show based sa Ins­tagram (IG) post ng kanyang fans. Nakausap namin ang manager niyang si Rams David at sunud-sunod na naman ang offers ng show at new endorsements kay Marian at medyo nahihirapan siyang magbigay ng schedule dahil dapat niyang iiwas iyon once nagsimula nang mag-taping ang Kapuso Primetime Queen ng bago niyang soap sa GMA-7. Bukod sa launch niya as endorser ng collagen health drink ng Belo, out na rin ang bagong scent ni Marian sa Bench, ang Inner Beauty. Dapat ay last year pa ito lumabas pero naging busy na si Marian sa wedding nila ni Dingdong Dantes, kaya ngayon lamang ito nailabas. May isa pa siyang new endorsement na ilo-launch soon.

As of now, hindi pa buo ang casting ng drama series ni Marian na ididirek ni Dominic Zapata mula sa script ni Suzette Doctolero. May sure nang dalawang young kontrabidas na makakasama sa soap si Marian. May mga offer na rin kasi muli ang GMA Pinoy TV sa USA and Canada na muling hinihiling si Marian. It seems na first half of 2015, punung-puno na ang schedule ni Ma­rian, dahil nag-enrol pa siya to take culinary arts sa Heny Sison Culinary School dahil kahit marunong siyang magluto, dream din niyang maging isang real chef someday. Ang kanyang pagbubuntis, ipinababahala raw niya kay Lord kung kailan ipagkakaloob ang baby nila ni Dingdong.

Ryza may cupcake business na rin

Hindi bothered si Ryza Cenon sa pang-iintriga sa kanila ni Empress Schuck at naiinggit daw siya sa nagbabalik na talent ng GMA Network. Na bakit daw kalilipat lamang ni Empress binigyan na ng lead role sa afternoon prime drama series na Kailan Ba Tama Ang Mali? samantalang siya na homegrown talent ng network na naging loyal sa kanila at ultimate winner pa ng StarStruck ay mga supporting roles lamang ang ibinibigay. Wala raw ganoon sa kanya, at wala siyang reklamo rito. Ang mahalaga, hindi siya pinababayaan ng network. Katatapos nga lamang niyang mag-guest sa Second Chances kung saan may love scene sila ni Rafael Rosell at tamang-tamang isinama nga siya sa Kailan Ba Tama Ang Mali? na gumaganap siyang caring sister ni Empress.  Naniniwala pa rin siya na darating ang tamang panahon para sa kanya. 

May business din siyang pinasok, nagbi-bake siya ng cupcakes at happy siya dahil kahit maliit lamang ang business niya kumikita naman ito.

Empress pinagtawanan lang ang isyu sa kanila ni Ryza

Natawa rin naman si Empress Schuck nang makarating sa kanya ang intriga sa kanila ni Ryza Cenon. Masaya raw siya sa pag­babalik niya sa GMA at napaka-warm ng pag-welcome sa kanya. May welcome gift pa nga raw sa kanya si Ryza na chocolate. Sa story kasi, magkapatid sila na parehong kabit ang role. Kahit daw first time lamang niyang makakatrabaho, naging comfor­table naman agad sila sa isa’t isa. Wala raw siyang reklamo kung kontrabida ang role niya sa soap, at wala rin siyang reklamo sa mga kissing scenes at love scenes nila ni Geoff Eigenmann, na first time niyang gagawin. Hindi raw niya ginawa ito noon sa dati niyang network. 

Mapapanood na simula bukas, February 9, ang Kailan Ba Tama Ang Mali? pagkatapos ng Yagit.

vuukle comment

EMPRESS SCHUCK

KAILAN BA TAMA ANG MALI

MARIAN

NIYANG

RYZA

RYZA CENON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with