^

Pang Movies

Pokwang at leading man na si Lee, ‘magpapasarap’ sa Bora

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tulad ng mga local artista na nakatrabaho na ni Pokwang, pawang good words din ang ibinigay sa kanya ng mga co-actor nito sa new movie niya at unang pasabog ng Star Cinema na produced ng TFC (The Filipino Channel) on its 20th anniversary na Edsa Woolworth. Mga nakasama ni Pokwang sina Steven Spohn, Prince Saruhan, Ricci Chan, and Lee O’Brian as her leading man.

Sa kuwento ni Direk John-D Lazatin, hindi si Lee ang original choice nila for the role dahil nag-back out ang nakuha nila sa audition. Si Steven daw ang nag­pakilala sa kanila kay Lee. Ipi­nakita raw muna niya ang picture ni Lee kay Pokwang na nagustuhan naman nito.

Humanga naman si Lee sa pakikipagtrabaho ni Pokwang kahit tuluy-tuloy itong nag-shooting for 16 hours, kaya raw na-inspire din siyang magtrabaho nang todo. As for Pokwang’s English, binibiru-biro daw lamang ito ni Pokwang pero para sa kanya mas mahusay pa raw mag-English ang comedienne kaysa sa mga nakilala na niyang mga Americans.

Last Friday, si Lee at iba pang co-actors ng movie, were treated to dinner ni Pokwang sa bahay niya sa Antipolo City.  Mamayang gabi ang premiere night ng movie at bukas ang opening day nila. Pero naka-schedule nang pumunta after the premiere night sina Pokwang at Lee sa Boracay, dahil wish ng American actor na makita ang ipinagmamalaki nating isla.

Ang Edsa Woolworth ay second movie together na nina Pokwang and Direk John-D. after TFC’s A Mother’s Story. Ipina­labas na ang movie sa Amerika at Canada noong November 2014 at nabigyan ng magagandang reviews kaya tama lamang ipapanood ito dito sa Pilipinas.

Marian naniniwalang hindi sila magkakahiwalay ni Dingdong

Mas mapapaaga ang panonood ng mga fans ng tinaguriang Wedding of the Year nina Dingdong Dantes at Marian Rivera last December 30, 2014. Sa halip na sa Sunday, January 18 at sa next Sunday, January 25, mapapanood na ito sa Sabado, January 17 at January 24, pagkatapos ng Magpakailanman sa mas maaga ring timeslot na 8:30 p.m. Ito’y bilang pagbibigay ng oras para sa mga coverage ng GMA Network sa pagdating ni Pope Francis sa Thursday, January 15 hanggang sa pag-alis nito pabalik sa Vatican sa Lunes, January 19.

Kahapon ay mapapanood na sa YouTube ang pre-nuptial video na ginawa ni Direk Joyce Bernal shot at the Sampaguita Gardens at ang ganda-ganda ng pag-trace ni Bb. Joyce kung paano nagsimula ang love story ng mga paborito niyang sina Dong at YanYan, simula pa nang idirek niya ito sa first team-up nila together, ang Marimar in 2007.

Sa video umiiyak na sinabi ni Marian na ginusto niya si Dingdong dahil naniniwala siyang hindi mangyayari sa kanila ang paghihiwalay ng parents niya, dahil ayaw niyang maranasan ito ng mga magiging anak nila dahil doon siya talaga nasaktan. Ang maganda lamang, hindi siya pinabayaang lumaking mag-isa ng kanyang ama at ina kahit magkahiwalay sila. Until now, maganda ang relasyon ng mga magulang niya.

A MOTHER

ANG EDSA WOOLWORTH

ANTIPOLO CITY

DINGDONG DANTES

DIREK JOHN-D LAZATIN

DIREK JOYCE BERNAL

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with