^

Pang Movies

Ikalawang wedding nina Aiza at Liza bawal ang TV coverage

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

How true na bawal ang TV coverage sa kasal ngayon nina Aiza Seguerra at Liza Diño?

May nagsabi sa akin na very private raw ang magaganap na kasalan kaya hindi ito pakukunan sa media pero may mga invited reporter.

Baka may sariling dahilan sina Liza at Aiza sa kanilang desisyon. Puwedeng sila na lang ang magbibigay sa mga TV station ng video ng kasal nila.

Masarap daw magluto si Liza ng adobo at mga bottled adobo ang ipamimigay nila ni Aiza sa kanilang mga bisita bilang souvenir.

Tragic Theater hindi puwede sa bagets, graded B ng CEB

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Tragic Theater, ang pelikula ng Viva Films na mapapanood na ngayon sa mga sinehan.

Hindi puwedeng panoorin ng mga bata ang Tragic Theater dahil R-16 ang classification ng Movie and Te­levision Review and Classification Board (MTRCB) sa pelikula.

Nakakatakot ang trailer ng Tragic Theater kaya hindi talaga ito puwedeng panoorin ng mga bagets na below 16 ang edad.

Glenda one year nang cancer free

One year nang cancer free si Glenda Garcia na starring sa upcoming primetime drama ng GMA 7, ang Second Chances.

Nagpakita si Glenda ng kakaibang tapang at katatagan nang malaman niya na may breast cancer siya.

Hinangaan ang positive attitude at strong will ni Glenda na mabuhay.

Ang paggaling ng kanyang karamdaman ang second chance na natanggap ni Glenda kaya malimit ang pasa­salamat niya sa Diyos.

Natatandaan ko pa ang live guesting noon ni Glenda sa Startalk. Hindi siya nagdalawang-isip na alisin ang suot na wig para ipakita sa publiko na kalbo siya na epekto ng chemotherapy.

May dapat matutunan mula kay Glenda at sa mga karanasan nito ang mga tao na nawawalan na ng pag-asa na mabuhay dahil may mga problema sa datung at pag-ibig. Bale wala ang kanilang mga problema sa pagsubok na pinagdaanan ni Glenda.

Jennylyn hinuhulaang mai-in love kay Raymart

Blooming si Jennylyn Mercado sa presscon ng Second Chances dahil sa best actress award niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Malaking tulong ang acting trophy ni Jennylyn para madagdagan ang confidence niya at lalong pagbutihin ang kanyang acting sa Second Chances.

This early, may mga naghuhula na baka ma-in love si Jennylyn sa kanyang leading man na si Raymart Santiago dahil pareho silang loveless. Nag-isip tuloy ako kung may image ba si Jennylyn na nagkakagusto sa kanyang mga kapareha? Ask natin sina Patrick Garcia at Dennis Trillo.

Bashers nina Dingdong at Marian nanahimik na

Tahimik na ang mga basher nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Lipas na kasi ang isyu ng engrandeng kasalan ng dalawa at nakatutok naman sa ibang kontrobersya ang atensyon ng mga intrigera.

Kahit ano pa ang pang-ookray na gawin nila, mas marami ang natutuwa at nagandahan sa church wedding at reception ng mga bagong kasal na ini-enjoy nang husto ang honeymoon sa Europe.

Wish ko lang, mabuntis kaagad si Marian para matupad na ang kanyang longtime dream na magkaanak na sila ni Dingdong.

Fans nalito, Mel hinanap sa kasalang DongYan

May naghahanap kay Mel Tiangco sa kasal nina Marian at Dingdong.

Nalito na yata ang fans dahil nalimutan nila na walang participation si Mama Mel sa Gracia-Dantes Nuptials.

Ninang si Mama Mel sa kasal nina Heart Evangelista at Senator Francis Escudero sa susunod na buwan, hindi sa kasal nina Dingdong at Marian.

Si Papa Mike Enriquez ang kasali sa Gracia-Dantes Nuptials dahil ninong siya. Sila ni Dra. Vicki Belo ang magkasama na nagmartsa patungo sa altar ng Immaculate Conception Cathedral.

vuukle comment

GLENDA

GRACIA-DANTES NUPTIALS

JENNYLYN

MAMA MEL

SECOND CHANCES

TRAGIC THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with