^

Pang Movies

Angeli, ramdam na maraming beses napagsamantalahan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angeli, ramdam na maraming beses napagsamantalahan
Angeli Khang

Inamin ni Angeli Khang na may pagkakataon ding nate-take advantage siya ng mga aktor na nakakaeksena niya sa kanyang mga ginagawang sexy films sa Vivamax.

Sa panayam ng tinaguriang Vivamax Queen sa online show na “Toni Talks” ni Toni Gonzaga ay napag-usapan nila ang proseso at preparasyon sa mga sexy scenes na ginagawa niya.

Ayon kay Angeli, noong una raw, akala niya ay madali lang maghubad at gumawa ng love scenes. Katwiran daw niya noon, iaarte lang naman daw niya ang mga maseselang eksena.

 “But right now na med­yo nag-widen ‘yung understanding ko sa paga-acting and patagal nang patagal, du’n ko nare-realize na nakaka-drain talaga siya, nakaka-drain na maghubad ka.

“Still, kahit may plaster, kahit na minsan, may double, ‘yung point of view pa lang na while doing it, kailangan, mentally prepared ka,” aniya.

Bukod dito, kailangan ay kumportable rin daw sila sa isa’t isa ng kapareha niya.

“And minsan, nai-stress ‘yung mga partners mo na kasi, ‘yung restrictions. Minsan, bawal hawakan sa dibdib or hanggang bewang lang, or dito (balikat) lang,” sey ng sexy actress.

Tanong naman ni Toni, “may time ba na you felt na taken advantage ka?”

Pag-amin ni Angeli, “yes, a lot. Lalo na (sa) mga last movies ko.”

Naintindihan naman ni Toni na sa mga ganyang eksena ay hindi naman maiwasan talaga na ma-carried away at um-agree naman si Angeli.

“May times na habang naka-plaster, natanggal ‘yung plaster kasi tumitigas (ang pagkalalaki ng partner niya). Ta’s bago pa mag-taken ‘yung direk, hinahalikan na ‘ko. After mag-take, hinahalikan pa rin ako,” she revealed.

Tinanong ni Toni kung ano ang ginagawa niya ‘pag ganu’n at sagot ng Vivamax actress, nagrereklamo raw siya sa direktor.

“Ako, nasa isip ko, ‘basta 1 take, go mo na.’ After nu’n, du’n na ‘ko magrereklamo kay direk. Sabi ko, ‘direk, nakita mo na ba na ganito, ganyan?’ Sabi niya, ‘oo nga, nakita ko,’” sabi ni Angeli.

Siya naman daw ay sinisiguro niyang hindi siya nadadala sa mga passionate scenes.

“’Pag work, nasa isip ko talaga, work ‘to. While doing the scenes, maraming tao lagi kapag sexy scenes. Camera man, sigurol 2, 3, may audio pa, andiyan pa ‘yung direktor, kaya never po akong na-carried away,” aniya.

mga ginawa ni mother lily, nakatatak na kina juday

Dagsa ang nagpapahatid ng pakikiramay at pagbibigay ng tribute ng mga artista’t taga-showbiz sa pumanaw na movie producer at film icon na si Mother Lily Monteverde. Pumanaw ang Regal matriarch nitong nakaraang Agosto 4, 2024 sa edad na 85.

Sa Instagram ay sunud-sunod ang post ng mga artistang napasikat at naging bahagi ng buhay ni Mother Lily para bigyan siya ng papugay at pagrespeto.

Isa na rito si Judy Ann Santos na isa rin sa malalapit sa producer. Sa kanyang Instagram ay in-upload ng aktres ang huling larawam nila ni Mother Lily na magkasama. Aniya, lahat daw ng ‘firsts’ sa kanyang career ay ibinigay nito sa kanya.

“My dearest mother Lily.. if i remember it right, this was our last photo together when we had our meeting for your biopic before the pandemic happened.

“I could still remember how tight you embraced me when i arrived.. all my firsts in showbizness was under you. My first teleserye “kaming mga ulila” and the only producer na sumugal sa amin ni gladys para gawin ang pelikulang “sana naman”.. and the rest is history..

“Ginawa mong makulay ang buhay ng maraming tao sa industriyang ito na minahal mo ng sobra sobra.. and for that.. i will forever be grateful for your trust and love.. andito ako sa industriyang to, dahil sayo.. thank you mother.. fly high and enjoy walking around the heavens with father.. we love you soo much!” pahayag ni Juday.                               

Ayon naman kay Vhong Navarro, ang Regal Films producer daw ang isa sa mga taong laging nandiyan noong panahong down siya.

“Walang sawang pagpapasalamat po sa inyo, Mother Lily sa tiwala at pagbigay ninyo po sa akin ng mga proyekto. Salamat din po nung panahon na down ako lagi po kayo nandyan para sa akin. Hinding hindi ko po kayo makakalimutan… Hanggang sa muli po nating pagkikita. Love you po,” ani Vhong.

Ikinuwento naman ni Korina Sanchez na si Mother Lily raw ang tumulong para makabangon ang ABS-CBN noong dekada 80.

“My world has always crosses over between news and entertainment. Blessed to have known most of the iconic greats. Mother Lily Monteverde of Regal Films. She helped make ABSCBN stand on its feet in the 80’s. She made countless stars become. Will never forget her unwavering support of Mar. And how she was always an influence to me to reach great things while staying ba­lanced. Vaya Con Dios Mother,” pahayag ni ate Koring.

vuukle comment

ANGELI KHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with