^

Pang Movies

Bianca, naghahanda nang maging misis!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca, naghahanda nang maging misis!
Bianca Umali

Nag-aaral na ang Kapuso actress na si Bianca Umali na magmotorsiklo.

Meron daw siyang pinaghahandaan base sa kanyang ipinost na litrato na may caption na
“Learning something new for something. *wink wink*.”

Para raw ito sa kanyang daddy na pumanaw na. Ito raw kasi ang ultimate dream nito na makapagmotor sila na magkasama.

“Well… now that I’m here - we may not be riding side by side but I will surely be riding with him in my heart all the time,” dagdag pa niya.

Suportado naman siya ng kanyang kapwa aktres na si Jennylyn Mercado na nahihilig din sa pagmomotor. “Let’s go B!” komento ng misis ni Dennis Trillo.

Mukhang malapit na silang magkaroon ng joyride na magkakasama, kasama rin ang mister at boyfriend nila.

Ganoon din ang aktres na si Klea Pineda na nagyayaya na ngayon pa lang na mag-ride sila.

Syempre hindi naman nagpahuli ang boyfriend niyang si Ruru Madrid na motorcycle enthusiast. Maaalala ngang gumanap din siyang delivery rider na naging vigilante sa pinagbidahan na katatapos lang na seryeng Black Rider.

“Mrs.Black Rider,” komento niya sa post ni Bianca.

Ibig sabihin kaya nito ay malapit na rin silang magpakasal?

Mukhang may plano nang mag-propose ang aktor. Bongga.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with