^

Pang Movies

Kahit inabot na ng tatlong oras concert nina Pops at Martin marami ang nabitin!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nabitin ang mga guest nina Pops Fernandez at Martin Nievera sa kanilang Penthouse Live! concert  last Friday night sa PICC.

Nagbiro nga si Regine Velasquez na sayang ang suot niyang gown dahil nabitin siya sa isang kanta niya kasama sina Jaime Rivera, Zsa Zsa Padilla, with Pops din.

Halatang in love naman si Divine Diva Zsa Zsa sa maganda at masaya niyang aura sa show.

Unang nakipagkulitan si Jackielou Blanco na ex girlfriend  ni Martin sa show.

Ikinuwento rin ni Pops na aksidente lang ang kanyang pagsali sa Penthouse Live show noon, pero dahil sa nag-click ang tandem nila ni Martin kaya naging permanent host na siya sa palabas.

Lalo namang bitin ang performance ni Gary V na naki-duet sa dating mag-asawa sa stage. Mabuti na lang at dalawang beses na nakahirit ng hataw sa pagsayaw si Jojo Alejar na ipinakita ang throwback dance steps nung 80’s.

Bongga naman ang mga hirit ni Doña Buding (Naneth Inventor) na kilalang icon ng Penthouse show. Wala pa ring kupas sa kanyang words of wisdom ang komedyana na kahit mahaba ang kanyang spiel ay may hatid na aliw factor tungkol kina Mommy Dionisia Pacquiao, Dr. Vicki Belo, at Janet Napoles.

Touching ang pag-guest ng dalawang anak ng dating mag-asawa na sina Ram at Robin at kinanta nila ang kanta ni Martin para kay Pops 10 years ago na Christmas Won’t Be the Same Without You.

Ipinakita rin sa show ang regalo ni Ram kay Pops na anime picture ng kanyang mommy dahil birthday din nito last Friday. In fairness kay Ram maganda ang drawing niya na sabi ni Pops ay involved ngayon sa animation works. May solo performance rin si Robin gamit ang kanyang gitara na siyempre ay proud na proud sina Pops at Martin dahil talented singer din ang kanilang anak.

Bitin nga ang show dahil mahirap sariwain at siksikin ang masaya at success ng Penthouse show dati nina Martin at Pops sa isang gabing concert lang kahit inabot pa ng halos three hours.

Siyempre, pati ang audience ay masayang naki-throwback sa mga kanta nina Martin at Pops at nakakatuwa ‘yung mga nakikikanta rin na naka-holding hands pa sa kanilang partners. Bibilib ka naman sa maraming senior citizen na kahit may mga tungkod na ay nakipagpuyatan rin. ‘Yung isa ngang lolo na nakatungkod din at hindi na gumagana ang left arm dahil siguro na-stroke ay hindi ininda ang hirap niya sa pag-akyat at pagbaba ng hagdan ng PICC.

Naluha naman si Direk Fritz Ynfate nang bigyan siya ng tribute nina Pops at Martin dahil isa si Direk sa naging heart at soul kung bakit successful ang Penthouse Live show noong araw. Sobrang strict daw si Direk Fritz pero maraming natutunan sila Martin at Pops kaya kung paano sila naging professional singer artists ngayon.

vuukle comment

BE THE SAME WITHOUT YOU

CHRISTMAS WON

DAHIL

DIREK FRITZ

DIREK FRITZ YNFATE

DIVINE DIVA ZSA ZSA

MARTIN

PENTHOUSE LIVE

POPS

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with