^

Pang Movies

Miss World Philippines 2014 magkakaroon ng sports challenge!

PARINIGA NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi naman masyadong excited ‘yung nagsa­bing extended ang pagri-reign ni Megan Young as Ms. World.

Paano mangyayari ‘yun eh busy na si Ms. Cory Quirino na mag-promote ng event at nag-guest na rin ang mga naggagandahang 26 candidates ng Ms. World Pageant sa show ni Kuya Germs sa Master Showman. Naka-set na rin ang date ng pageant sa Oct. 12, para hanapin at koronahan ang susunod na Ms. World Philippines 2014 na papalit kay Megan.

Nilinaw ni Ms. Cory na hindi ang title o korona ni Megan ang extended, kundi ang contract lang nito sa Ms. World organization para ipagpatuloy ang mga charity works na nasimulan nito. Pinahanga raw kasi ni Megan si Ms. Julia Morley, ang chairman at owner ng Ms. World organization dahil sa sobrang sipag at pagiging committed nito sa kanyang mga responsibilidad as beauty queen bilang Ms. World 2013. Pero hinihintay lang ni Ms. Cory na si Ms. Morley mismo ang mag-announce ng official statement patungkol kay Megan.

Magsisilbing hosts ng Ms. World pageant sina Carla Abellana, Mikael Daez, Gwendoline Ruais, at siyempre kasama si Megan.

For the first time ay magkakaroon ng sports challenge ang nasabing beauty pageant na maghahanap ng super woman mula sa mga candidates. At ang tataha­ling winner ay ilalaban sa Ms. World na gagawin sa Dec. 14, sa London na may ganito ring pattern. Ang mga kalahok na contestant mula sa buong mundo ay dapat sports-minded din.

First time rin pinayagan ng organization na sumali ang isang hearing impaired contestant (Candidate no. 12) na si Christine Balaguer, kung saan siya bibigyan ng interpreter. Hanga ang lahat kay Ms. Balaguer na laki ring orphan mula sa Boracay at member din ng Dragon Boat Team. Naglalaro din ito ng football.

Samantala, tiyak na naghahanda na rin si Carla sa kanyang pagrampa sa Ms. World na sinasabing tumataba na. Aabangan din sina Mikael at Megan na tiyak na parehong inspired dahil pareho silang magkasama sa pageant. Ang balita may sasabihin silang announcement after ng pageant.

Billy hindi nalimutan ang ama sa showbiz

Last Saturday, October 4 ang birthday ni Kuya Germs kaya sumulpot si Billy Crawford sa Walang Tulugan with the Master Showman para kantahan ito sa show ng host.

Kahit daw hectic ang kanyang schedule, basta si Kuya Germs ang nag-invite ay gagawan niya ng paraan para bumati. Si Kuya Germs daw kasi ang nagsisilbi rin niyang “papa” sa showbiz. Ipinaliwanag naman ni Billy ang pinagdaanan niyang trouble dahil sa naging stress at pagod lang daw siya ng mga time na ‘yun. Bukod sa sobrang na-miss daw niya ang kanyang mga parents na nasa abroad, naghahanap lang daw kasi siya ng guidance. Sinabi niyang iba pa rin daw kung nasa tabi nito ang kanyang family.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

CARLA ABELLANA

CHRISTINE BALAGUER

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN

MEGAN

MS. CORY

MS. WORLD

WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with