^

Pang Movies

Seguridad mas nanganib? Toni ipinangalandakan pa ang CCTV at bell ng bahay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Two mornings namin napanood ang Kris TV na featured ang bagong renovated house nina Toni Gonzaga sa Taytay, Rizal. We are just wondering kung bakit ipinaalam pa ni Toni sa mga televiewers na lahat ng doors ng bahay nila ay may bell kaya malalaman nila kung may papasok dahil tutunog ito, ipinakita rin lahat kung saan nakalagay ang mga CCTV cameras sa loob at labas ng bahay nila.

Marion ayaw pang i-produce ng concert ng nanay

It’s nice to see three Aunor generations na magkakasama. Naimbita kami ni Ms. Chit Ramos for a pocket interview kay Marion Aunor, at kasama nito ang mommy niyang si dating actress-singer Maribel “Lala” Aunor at ang grandmother niyang si Mamay Belen, ang nagpakilala sa Superstar na si Nora Aunor in the late 60’s sa show business. Musically-inclined family nga sila dahil si Marion, bukod sa graduate na ng Communications Management sa Ateneo de Manila University, ay singer-songwriter-recording artist din siya, managed by Vehnee Saturno, at kinuha rin siya ng Star Records at Star Magic ng ABS-CBN. Her sister Ashley ay marunong tumugtog ng guitar at nagku-compose rin ng songs. Si Mamay Belen naman ay pumayag magparinig ng Christian songs na siya ang nagku-compose at accompanied herself sa pagtugtog ng gitara, tumutugtog din siya ng violin. 

Unang nakilala si Marion nang manalo siya ng third place sa 2013 Himig Handog. This year, muli siyang mag-iinterpret ng song ni Jungee Marcelo na Pumapag-ibig sa finals night ng Himig Handog 2014 na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Sunday, September 28. 

Last week, tinanggap naman ni Marion ang first music award niya mula sa 6th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) as the New Female Recording Artist of the Year. Wala ba siyang balak pasukin ang acting field? One at a time daw muna, mas focused siya sa singing career niya. Ayaw pa ni Lala na igawa siya ng concert dito, dahil may series of shows munang gagawin si Marion na makakasama niya si Mitoy Yonting ng The Voice Philippines at ni Darren Espanto ng The Voice Kids sa November 15 sa Oakland, California, sa November 21 sa Vancouver, Canada at sa November 23 sa Calgary, Canada.

Marian balik-trabaho agad pagkatapos ‘maglaro’ sa HK Disneyland

Matapos makipag-bonding at mag-enjoy na parang bata with her mama, lola, at  friends sa una sa mga bridal showers niya si Marian Rivera sa Hong Kong Disneyland, back to work agad siya pagbalik niya sa Pilipinas last Wednesday evening. 

Sumama agad siya sa Juan for All, All for Juan at nag-taping ng kanyang primetime dance show na Marian. Patuloy ang dance showdown ng dalawang pairs ng mga special guests ni Marian at si Ms. Lucy Torres-Gomez pa rin kaya ang magiging judge mamayang gabi, after ng Pepito Manaloto?

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

AUNOR

CHIT RAMOS

COMMUNICATIONS MANAGEMENT

DARREN ESPANTO

HIMIG HANDOG

MARION

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with