^

Pang Movies

Matapos makunan Princess Kate at Prince William nakabuo na naman, tinawag na ‘miracle baby’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Buntis na ulit ang Duchess of Cambridge na si Princess Kate Middleton. Ito ang naging balita pagkatapos magbakasyon ng Royal Couple sa Norfolk kamakailan.

Una ngang nabalita ang miscarriage ni Kate sa sana’y second baby nila ni Prince William. Pero 10 weeks after ay confirmed na buntis na nga ito ulit.

Ipa-publish nga sa isang UK tabloid ang buong kuwento ng pagbubuntis ulit at ang naging miscarriage ni Princess Kate on September 8. Ang tawag nga ng Royal Couple sa kanilang bagong pinagbubuntis na sanggol ay “miracle baby”.

Pero mukhang hindi matatapos sa dalawang anak lang ang dalawa. May plano na maging tatlo ang supling ng Royal Couple.

 “The Duke would probably be happy with two but Kate is very close to her brother and sister and there is a sense that as she is one of three, she would like to have three herself,” ayon sa isang source.

Nag-turn one year lang a few months ago ang panganay nila Prince William at Princess Kate na si Prince George na nakapila na bilang heir to the throne of England.

Pacman idinaan sa baseball ang pag-promote ng boxing

Tuluy-tuloy nga ang promotional tour ni Manny “Pacman” Pacquiao para sa laban nila ni Chris Algieri sa November 22 na magaganap sa The Venatian in Macau.

Noong nakaraang August 29 ay namataan nga si Pacman na naglalaro ng baseball sa AT&T Park sa San Francisco, California.

Nagba-batting practice nga ang 8-time world title holder bago magsimula ang laro ng Giants laban sa Milwaukee.

Nakita rin na naglalaro ng basketball si Pacman sa Golden Gate Warriors Training Facility sa Oakland, California.

Nabanggit naman ng promoter ni Pacman na si Bob Arum na may possibility na matuloy na ang laban ni Manny kay Floyd Mayweather sa 2015.

Ang mga pupuntahan pa ni Pacman para sa kanyang promotional tour ay Los Angeles, Las Vegas at New York.

Kailangan na ring umuwi agad ni Pacman dahil bukod sa kanyang pagiging isang congressman, coach din siya ng Kia Motors basketball team at may bagong show siya sa GMA 7, MP Presents Sports Science.

vuukle comment

BOB ARUM

CHRIS ALGIERI

DUCHESS OF CAMBRIDGE

FLOYD MAYWEATHER

GOLDEN GATE WARRIORS TRAINING FACILITY

PACMAN

PRINCESS KATE

ROYAL COUPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with