^

Pang Movies

Aktres pinaasa sa wala ang baguhang indie produ

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masama ang loob ng isang indie film producer sa isang aktres dahil sa pag-backout nito sa isang project kung kelan kukunan na sana siya ng mga eksena.

Ayon pa sa producer ay nag-adjust nga raw sila sa very hectic schedule ng aktres dahil sa pakiusap nito. Ultimo ang mga artistang makakasama niya sa project ay nag-adjust ng schedules nila para lang maging maayos ang pagtapos ng project.

Walang naging reklamo ang film producer noong magbakasyon muna ang aktres bago ito mag-shooting. Nangako naman daw ang aktres na pagbalik niya ay tatapusin niya ang three shooting days na binigay sa kanya.

‘Yun lang pagbalik ng aktres ay nagpasabi ito na ayaw na niyang gawin ang project dahil sa bigla raw may ibang trabahong pumasok.

Sumama ang loob ng film producer dahil naibenta na raw nila na ang aktres ang kanilang bida kaya nakakuha ito ng mga sponsor. Hiyang-hiya tuloy ang producer sa mga ito at binalik niya ang mga pera na binigay ng mga ito para wala silang masabi.

Hindi na nakipag-usap pa ang aktres sa producer para mag-explain sa kanyang pag-backout sa project.

Pakiramdam tuloy ng producer na porke’t maliit lang sila ay basta na lang tatalikod ang aktres sa commitment nito. Kung sakaling malaking production outfit sila, mahihiya itong hindi gawin ang project.

Mabuti na lang at hindi pa naibigay sa aktres ang talent fee nito or else magi­ging problema pa nila ang pagbawi nito.

Jobert austria kinasuhan na

Pagkatapos ng kanyang failed suicide attempt noong nakaraang August 16, sinampahan nga ng kaso ang comedian at mainstay ng ABS-CBN 2 gag show na Banana Nites na si Jobert Austria.

The 42-year old comedian ay haharap sa charges of alarm and scandal. Gayundin sa kaso of illegal possession of dangerous drugs. Naniniwala ang mga pulis na pumigil at umaresto kay Jobert na siya ay under the influence of shabu (methamphetamine hydrochloride) noong magtangka itong tumalon mula sa 6th floor window ng Sogo Hotel sa corner ng Quezon at Roces Avenues.

Ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ni Austria ay noong makatanggap ito ng mga death threats mula sa ex-boyfriend ng kanyang girlfriend.

Nakahanap ng isang sachet ng shabu sa hotel room kung saan nagtangkang tumalon si Austria. Dinala na sa isang rehabilitation center ang comedian.

Nakunan ng maraming tao video camera phones ang tangkang pagtalon ni Austria. Nai-upload na ito sa YouTube.

Nakilala si Jobert dahil sa mga ina-upload nitong mga videos sa YouTube. Naging parte na siya ng shows na Laugh Out Loud at Happy Yihee Yehey ng ABS-CBN 2.

Bida sa Guardians of the Galaxy dating walang tirahan

Hindi nahiyang aminin ng bagong box-office Hollywood star na si Chris Pratt ang kanyang pagiging homeless bago siya nabigyan ng sunud-sunod na trabaho sa TV at pelikula hanggang sa maging bida siya sa box-office hit na Guardians of the Galaxy.

Nag-post ang 35-year old actor ng isang photo sa kanyang Facebook account ng isang van kung saan tumira siya dahil wala siyang bahay na matutuluyan noon.

Naka-caption ito ng: “Can’t believe I found this picture!!! That is the van I lived in!!! In my hand is the script for the movie that got me out of Maui. Crazy!”

‘Yung pelikulang iyon ay ang 2000 short horror movie na Cursed Part 3.

Naging very candid si Chris sa kanyang pagiging financially unstable noong nagsisimula pa lang siya. Kinailangan niyang tumigil na mag-aral sa college para magtrabaho. Sa Hawaii siya nakahanap ng ilang trabaho para lang mabuhay siya.

“It’s a pretty awesome place to be homeless. It would be different if I lived on the streets of Chicago and ate garbage from a dumpster,” tawa pa niya.

Habang nagtatrabaho siya sa Maui’s Bubba Gump Shrimp Company noong makilala niya ang actor-director na si Rae Dawn Chong. Ito ang unang tumulong kay Chris na makapagsimula sa Hollywood.

Ngayon ay isa nang household name si Chris Pratt. Bukod sa nasa cast siya ng top-rating comedy series na Parks & Recreation, isa na siya sa kinikilala na big box-office star.

He is also happily-married to comedienne Anna Faris kung kanino meron siyang anak na lalake named Jack.

vuukle comment

AKTRES

ANNA FARIS

BANANA NITES

CHRIS PRATT

GUARDIANS OF THE GALAXY

JOBERT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with