^

Pang Movies

Paolo walang balak pasukin ang pulitika

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Umalma si Paolo Ballesteros sa mga kumu­kwestiyon bilang co-host sa Marian, ang dance show ng aktres na si Marian Rivera, tuwing Sabado sa GMA 7.

Katuwiran ni Paolo ay ginagawa naman niya ang lahat at nahasa na rin naman siyang mag-host kahit sa One for All… segment sasa Eat Bulaga na hindi rin naman daw madaling gawin lalo na nga’t ang kasama niya ay sina Jose Manalo at Wally Bayola.

At naging mas madali ang batuhan nila ng dialogue ni Marian dahil magkasama na nga sila sa One for All...

Dati na niyang kaibigan at nakatrabaho si Marian sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at Dyesebel. Ninang din ang aktres ng anak niyang si Keira.

Thankful naman si Paolo sa Marian show dahil at least daw, mukha siyang kagalang-galang dahil nakapagsusuot siya ng suit na pormal-pormalan ang dating.

Sa araw-araw niyang pakikisalamuha sa mga barangay ay puwede na ring kumandidato si Paolo na kahit sa barangay eleksyon ay tiyak na winner agad ito sa kanilang bayan sa Cabanatuan City. Pero waley ang sagot nito dahil wala siyang balak na makigulo sa pulitika. Tama na raw na kabahagi siyang naghahatid ng saya kasama ang Dabarkads ng EB.

Thirtheen years na pala si Paolo sa showbiz at masaya siyang nahubog na ang kanyang pagiging komedyante, aktor, at TV host sa pangunguna ni Bossing Vic Sotto sa 35 years na namamayagpag na noontime show sa TV.   Kay Bossing Vic din siya natuto ng timing sa pagpapatawa kung saan ito rin ang nagpi-feed ng punch line sa kanilang segment nina Jose at Wally. Mula doon ay lalaruin nila ng mga pasundot na patawa na swak naman sa panlasa ng masa.

Samantala, wish ni Paolo na sana makasama siya sa gagawin ni Bossing Vic na My Bossing’s Adventure na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival ngayong December. Wala pa raw siyang naririnig sa nasabing project kung saan last year ay kasama sila ni Jose sa My Little Bossings. Sana raw gawin pa rin silang sidekick ni Bossing Vic para maganda uli ang kanilang kabuhayan ngayong Kapaskuhan.

vuukle comment

AKING TADYANG

BABAENG HINUGOT

BOSSING VIC

CABANATUAN CITY

EAT BULAGA

JOSE MANALO

KAY BOSSING VIC

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with