^

Pang Movies

Derek sinamahan si Kris na ubusin ang luha

- Vinia Vivar - Pang-masa

For sure ay magiging hot topic na naman ang panonood ng sine nina Kris Aquino and Derek Ram­say sa Greenbelt 3 last Saturday night.

Pinanood nila ang The Fault in our Stars pero kasama naman nila ang dalawang anak ni Kris na sina Joshua and Bimby. Kaya para silang one big happy family.

Nag-post pa ng picture si Kris sa kanyang Instagram account kasama ang tatlong boys na may caption na “Thanks to the 3 boys who allowed me to cry my eyes out so that hopefully there are no more tears left.”

Makahulugan ang statement ni Kris kaya marami ang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng “hopefully there are no more tears left.”

Jake kinabubuwisitan

Mas maraming naiinis kay Jake Cuenca bilang Franco sa Ikaw Lamang, mas natutuwa ang aktor dahil ibig daw sabihin nito ay epektibo ang kanyang performance.

“Sobrang flattering sa akin ‘yon kasi more than anything tanggap ng tao ‘yung versatility, tanggap ng tao ‘yung lahat ng aspeto ng acting na ibinibigay ko. Ginagawa kong malaking bagay na mag-aral pa and to do my homework,” sabi ni Jake.

Kaya nga welcome na welcome raw sa kanya ang mga haters para sa kanyang karakter sa serye.

Nakatutulong din daw ang mga collaborations nila ni Coco Martin bilang napakarami rin nilang mabibigat na eksena na karamihan ay fight scenes o confrontation scenes.

Pero hindi naman daw siya ‘yung tipong nakikialam sa creative o sa acting ng ibang artista bilang napakagagaling naman daw lahat ng mga kasama niya.

Sa pagkawala ni Cherie Gil sa serye ay wala naman daw bagong ipapasok na kontrabidang babae. Pero stay tuned daw dahil anything can happen.

Anyway, kahit busy sa taping, Jake sees to it that he finds time para sa girlfriend na si Chanel.

“Ginagawan ko ng paraan kasi gusto ko talaga siyang mag-work. Magkalapit lang din naman ang bahay namin kaya madali lang. Lagi ko naman sinasabing ‘pag gusto, maraming paraan, ‘di ba?”

Taga-Makati raw ang girlfriend at Mandaluyong naman siya kaya matter of few minutes lang ang distansiya nila.

Ruffa hindi nag-abalang batiin ng Father’s Day ang ama ng mga anak

Kahapon ay bininyagan na ang anak nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Baby Z­ion. Bale triple celebration nga ito dahil first birthday din ng bagets at celebration din ng Father’s Day.

Star-studded ang binyag/bday dahil sa rami ng celebrity ninongs and ninangs. Ginanap ang reception sa Wack-Wack Country Club.

Kahapon ay nag-post pa si Ruffa Gutierrez sa Instagram ng picture ng mag-anak. Karga-karga ni Chard si Zion habang nakayakap sa kanya si Sarah.

May caption ito na: Today is Father & Son’s big day! Happy Father’s Day Chard (still can’t believe it) & Happy Christening Baby Zion!”

Binati rin ni Ruffa ang kanyang ama na si Eddie Gutierrez sa kanyang IG account. Hindi binati ng aktres (or baka hindi namin nakita) ang ama ng kanyang mga anak at dating asawang si Yilmaz Bektas at understandable naman dahil say nga niya noon pa, hindi naman ito nagsusustento sa mga anak. Which means hindi nito nagagawa ang duty as a father kaya bakit nga naman babatiin pa ng Happy Father’s Day?

vuukle comment

BABY Z

CHERIE GIL

COCO MARTIN

DAY CHARD

EDDIE GUTIERREZ

HAPPY CHRISTENING BABY ZION

HAPPY FATHER

IKAW LAMANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with