^

Pang Movies

Matapos wasakin ni Herbert, Joshua at James pinalalakas ang loob ni Kris

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binati ni Kris Aquino si Ryzza Mae Dizon ng Happy birthday kahapon, June 12, sa Instagram account niya. Nagpasalamat din siya sa Aleng Maliit sa pagiging first and only leading lady ng anak na si Bimby.

Bago ang post na ‘yon ni Kris, ipinakita niya ang pictures ng message ng anak niyang sina Jo­shua at Bimby na nagbibigay sa kanya ng lakas sa pinagdaraanang sitwasyon.

“Mama Kris Be Happy always. I love you!” nakasaad sa card ni Josh.

 â€œMama don’t be sad I will protect you I love you!” nakasulat naman sa mensahe ni Bimby.

 â€œYes, sila ang bumubuo ng buhay, puso, at pagkatao ko,” post naman ni Kris.

Just count your blessings, Kris. Saka na ang puso mo!

KC busy sa mga kapatid

Tama lang ang attitude ni KC Concepcion na tawanan sa halip na seryosohin ang pagbabalik ng tsismis na anak niya ang bunsong kapatid na si Miel.

“Very creative!” reaksyon ni KC sa muling paglabas ng tsismis na ‘yon.

Bago lumutang muli ang tsismis na anak niya si Miel, madiing itinanggi ni KC na nabuntis siya ni Paulo Avelino. Kaya naman pagbalik niya ng bansa, agad siyang sumalang sa gym upang mapanatali ang seksing katawan.

Nakipagmiting na si KC sa kanyang managers upang alamin ang mga trabahong nakatakda niyang simulan. For the meantime, ang bonding sa mga kapatid na sina Fran­kie, Miel, at Miguel ang gusto niyang gawin matapos niyang mawalay sa kanila ng ilang buwan.

Sen. Jinggoy namaalam na rin

Hindi maiwasang maikumpara ang privilege speech ni Senator Jinggoy Estrada sa speech ng kaibigang si Senator Bong Revilla, Jr. Mas seryoso kasi ang dating ng pahayag ni Sen. Estrada habang ang kay Sen. Bong ay hinaluan niya ng komedya at music video.

Pero gaya ni Sen. Bong, accepted na rin niya ang fate na idi-detain siya matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan. Pinasalamatan niya rin ang mga kasama sa Senado, ang pamilya, at mga anak na sinabing huwag mahihiya sa pagiging isang Estrada.

Nag-promise sa Wednesday Club si Sen. Jinggoy na papasyal upang makipagtsikahan and hopefully, mang­yari ‘yon bago pa man sila i-detain sa Camp Crame.

Kahit wala sa ‘Pinas, Marian hindi nakalilimot sa pakimkim

Kahit kasalukuyang nasa States para sa series of shows, hindi pa rin nakalimutan ni Marian Rivera na ipadala ang kanyang pakimkim sa masuwerteng contestant na napipili para sa Juan for All! All for Juan! segment ng Eat Bulaga!

Aminado ang GMA Primetime Queen na mami-miss niya ang Dabarkads niyang sina Jose, Wally, at Paolo Ballesteros pati na ang mga tao at lugar na kanyang napupuntahan.

“Sila ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang pagiging isang Marian Rivera. Inspirasyon ko sila upang lalo pang pasalamatan ang lahat ng biyayang dumarating sa akin!” pahayag ni Marian sa presscon niya ng Marian.

Pagbalik sa bansa ni Yan Yan, siguradong fresh na fresh na naman ang hitsura niya’t lalo na nga at pinagbigyan siya ng kanyang management na mag-extend sa Tate upang makasama ang boyfriend na si Dingdong Dantes.

 

vuukle comment

ALENG MALIIT

BIMBY

CAMP CRAME

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

JINGGOY

MARIAN RIVERA

MIEL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with