^

Pang Movies

AiAi itotodo na si Jay!: Gagastusan sa indie film

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sasabak na ngayong araw na ito si AiAi delas Alas sa shooting ng una niyang indie movie na Ronda para sa Cinemalaya. Rason niya sa paggawa ng indie, “Gusto ko rin kasing maging international actress at libutin ang international film festivals! Ha! Ha! Ha!”     

Sariling gastos ni AiAi ang pag-produce ng Ronda. Kinaya niya ang budget dahil hindi naman higante ang perang kailangan kumpara sa entries niyang sinososyohan tuwing Metro Manila Film Festival. Gusto rin niyang maranasan ang makagawa ng artistic movie na puwedeng magustuhan ng masa, huh!

Ang baguhang si Jay Gonzaga ang balitang makakapareha ni AiAi at lalabas naman niyang anak na bading ang teen actor na si Julian Trono.

Mga napapanalunan ng artista sa EB ginagamit sa mga iskolar

Nakakaiyak ang paglulunsad ng Eat Bulaga ng second batch ng EB Best Scholars kahapon sa programa. Labinglimang estudyante ang ipinakilala sa noontime show na salat sa yaman at tanging ang karunungan ang sandata upang makatapos ng pag-aaral at maiahon sa kahirapan ang pamilya.

Mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang napiling bagong scho­lars ng Eat Bulaga. ‘Yung natitirang labinglima ay  bukas naman ipakikilala sa manonood. Agad ngang nag-trending sa Twitter ang EB BEST, huh! Very touching and inspiring kasi ang kuwento ng bawat isa!

Nagsimula nu’ng 2009 ang EB BEST at kung nu’ng una ay high school scholars lang ang balak ng TAPE, Inc., idiniretso na ‘yon hanggang sa pagtatapos ng college ng mga napiling estudyante.

Gastos lahat ng TAPE, Inc. ang allowance at gamit sa iskuwela ng EB Scholars at nakukuha ‘yung pera para sa kanila, sa mga games na napa­panalunan ng mga artista sa laro sa Eat Bulaga.

Bravo, Eat Bulaga!

Terrence gusto nang talikuran ang ‘multo’ ni Vice Ganda!

Naghuhumiyaw na pagtanggi ang pahayag ng basketbolistang si Terrence Romeo na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice Ganda.

Ang blog site na Spin.ph ang siyang naglabas ng interview ni Terrence, na apektado sa patuloy na paglabas ng pangalan niya bilang dyowa ni Vice.

Ayon kay Romeo, isa raw itong multo na gusto na niyang talikuran pa, huh!

Maging ang ama ni Terrence na si William Romeo ay nagsalita na rin tungkol sa tsismis. Hindi raw galing kay Vice ang condo na tinitirhan ng anak kundi sa team niya sa PBA na Global Port at iisa lang daw ang kotse ng anak.

Hindi man sinasabi ni Vice kung sino ang boyfriend na hiniwalayan, ang pangalan naman ni Terrence ang ispekulasyon ng marami na kinalasan ng komedyante.

Naku, sabihin na sana ni Kris Aquino kung sino ang hiniwalayang boyfriend ni Vice, nang sa gayon magkaalaman na talaga kung sino ang mahiwagang lalaking ‘yon!

Pero ‘yung current apple of the eye ni Vice ay may hula na ang taga-showbiz, huh!

vuukle comment

BEST SCHOLARS

EAT BULAGA

GLOBAL PORT

JAY GONZAGA

JULIAN TRONO

KRIS AQUINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

TERRENCE

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with