^

Pang Movies

Viva Hot Mommas nakipagtsikahan kay Arnold

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hot summer night ang mapapanood ngayong Miyerkules ng gabi sa Tonight with Arnold Clavio dahil special reunion ng ilang miyembro ng Viva Hot Babes!

Sa isang natatanging pagkakataon, magre-reunion sa TWAC ang ilan sa pinakasikat na miyembro ng sexy all-female group na Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Katya Santos, Sheree, at Andrea del Rosario.

Pero mukhang hindi kumukupas ang kanilang ganda dahil sila ay mga certified ‘hot mommas.’ Sa kanilang mini-reunion sa TWAC, kukumustahin ni Arnold Clavio ang mga tinaguriang pantasya ng bayan. Ano na ba ang kanilang pinagkakaabalahan ngayon bukod sa kanilang mga pamilya at anak?

Bukod sa kuwentuhan at kulitan, may kantahan at sayawan rin dahil magpe-perform ang mga nasabing Viva Hot mommas ng kanilang mga hit songs gaya ng Bulaklak.

Makisaya ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, 10.15 p.m. sa GMA News TV.

 

vuukle comment

ANDREA

ANO

ARNOLD CLAVIO

BUKOD

BULAKLAK

KATYA SANTOS

MAUI TAYLOR

MIYERKULES

VIVA HOT

VIVA HOT BABES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with