Wowie de Guzman umaasang magkaka-career pa
Gusto raw magbalik-showbiz ulit ni Wowie de Guzman. Hindi naman natin maikakaila na may panahong top rater ang kanyang mga ginawang teleserye. Kumikita rin ang kanyang mga pelikula noon. Pero siguro nga iyon ay isang kaso ng nabulunan ng popularidad, nag-iba siya ng diskarte sa kanyang career. Kasabay noon ay nagpalit din siya ng manager. Doon unti-unting bumaba ang career ni Wowie kasi nga nabago ang diskarte at siguro iba naman ang naging ideya ng bago niyang maÂnager. Hindi naman iyon kinagat ng publiko.
Hanggang isang araw, narinig na lang namin, lumalabas na lang sa mga stageplay si Wowie. Ok ang training doon. Pero walang kita dahil dito sa atin ay halos walang kinikita ang legitimate stage. Kung wala nga lang ang mayayaman nilang patron na nagbibigay sa kanila ng sponsors, siguro ni walang maipo-produce isa mang stageplay.
Kung aasahan ang kita sa audience lang, wala na talaga. Mayroon ngang mga cultural program na para lang may bumili ng tickets, hindi lang buy one take one, mayroon pang premium na dagdag. Wala pa ring nanonood. Kinukuha lang ang premium pero hindi pa rin nanonood ng palabas nila.
Palagay namin, kung hindi lang siya nagkamali noon ng diskarte sa kanyang career, baka hanggang ngayon may mga assignment pa rin naman si Wowie.
Hindi maikakaila na may following din naman siya. Simula pa noong panahong dancer pa lang siya, malakas ang batak ng batang ’yan. Pero matagal na iyon at iba na ang fans ngayon.
Kung magbabalik si Wowie, masasabi nga siguro nating ’yan ay isang “uphill climbâ€. Ibig sabihin, mahihirapan na siya pero possible pa rin.
Tirso Cruz dapat tularan
Noong isang araw, nagsimula lang iyon sa mga greeting sa Facebook. MaraÂming bumati kay Tirso Cruz III ng happy birthday. Ewan ko ba kung bakit naman namin naisipang itanong sa nag-post mismo noon, ang kaibigan naming si Baby K. Jimenez, “Ilang taon na nga ba si Tito Pip?â€
Sumagot naman si BKJ pero hindi na namin saÂsabihin kung ano iyon. Basta ang birthday ni Pip ay April 1, period na.
Siguro nga masasabi nating si Pip ang isa sa aÂting mga “durable starâ€. Siya ang No. 1 matinee idol simula noong late ’60s hanggang early ’70s. In fact, isa siya sa may pinakamahabang panahon bilang No. 1. Noon na lang medyo nagkakaedad na si Tito Pip, at medyo nagÂbawas na rin siya ng assignments, at saka lamang nakasingit ang mga baguhan.
Pero tingnan ninyo dahil siya ay isang artistang nagÂmahal sa kanyang propesyon at pinangalagaan ang kanyang career, hanggang ngayon ay napapanood pa rin siya sa tv at pelikula, at hindi siya basta matinee idol, isa na siyang kinikilalang aktor.
Ang mga ganyan ang dapat sundan ng mga artista nating bago ngayon.
- Latest