^

Pang Movies

Meg hindi masikmura na makipagsabayan ng hubaran kay Ellen

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas palaban si Ellen Adarna kaysa kay Meg Imperial na magkasama sa Moon of Desire. Sa tanong sa kanya ni Boy Abunda sa kanila kung kaya nilang mag-all the way o maghubo’t hubad, sabi ni Ellen: “Why not? Basta ba maganda ang script at kailangan sa istorya, wala akong tutol!”

Pa-echos naman ni Meg, sa acting ang kanyang pokus at hindi sa pagpapakita ng katawan lang. Ewan kung inirapan siya ni Ellen. Sa tingin at palagay kasi ng kanilang mga tagahanga ay pareho silang marami ng karanasan sa halikan man at yakapan. Bet?

Andi aminadong iba ang sinasabi sa relasyon kay Jake

Inamin ni Andi Eigenmann na hindi sila tugma ni Jake Ejercito nang sinasabi sa press. Samantalang sinasabi niyang sila ni Jake ay isa ng couple, ibig sabihin, may relasyon, iba naman ang iginigiit ni Jake:  “We are just friends. I am studying and she’s busy. Paano kami magiging couple?”

Zsa Zsa nagpaganda nang makipagkita sa ex-husband

Flattered si Zsa Zsa Padilla dahil may mga nagsasabing kahit ayos na ayos si Karylle ay mas maganda pa rin siya sa kanyang anak. 

Sabi naman ni Zsa Zsa, wala siyang planong talbugan ang sariling anak dahil wedding day niya naman ’yun.  “It’s her big moment in life,” sabi pa ni Zsa Zsa.

Kaya pala tatlong beses nagpalit ng gown si Karylle sa kanyang reception.

Pero kaya rin raw nagpaganda ang Divine Diva ay dahil first time silang nagkasamang muli ng dating asawa, si Dr. Modesto Tatlonghari. Civil naman sila sa isa’t isa.

                               

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BOY ABUNDA

DIVINE DIVA

DR. MODESTO TATLONGHARI

ELLEN ADARNA

JAKE EJERCITO

KARYLLE

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with