^

Pang Movies

Gabbi, nagpaliwanag sa engagement ring!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gabbi, nagpaliwanag sa engagement ring!

Nagpaliwanag ang aktres na si Gabbi Garcia tungkol sa singsing na suot niya sa kanyang ipinost na litrato ng“life lately.”

Pero mukhang marami ang nagpadala ng mensahe sa kanya galing sa mga kaibigan niya at mga tagahanga dahil nagpaliwanag agad siya tungkol sa singsing na suot. Napagkamalan kasi siyang engaged na.

Nauuna sa mga litrato ang photo nila ng boyfriend na si Khalil Ramos kung saan nakahalik siya sa pisngi nito. Sa photo na iyon ay makikita ang kamay ni Gabbi na suot ang singsing na may mga bato.

Kaya naman nilinaw niya agad sa kanyang post na galing sa mommy niya ang singsing. At ang alam daw niya ay sa kaliwang kamay sinusuot ang engagement ring at sa litrato niya ay nasa kanang kamay niya ito.

Pinakalma niya ang fans at mga kaibigan niya at sinabing malalaman ng mga ito kung totoo na talaga ito pero sa ngayon ay hindi pa nga siya engaged.

Matagal na nga rin kasi silang magkarelasyon ni Khalil kaya inakala ng mga ito na nag-propose na ang boyfriend niya.

Sey naman ng netizen ay pinakamalalang pagkakamali ni Khalil kung hindi nito hihingin ang kamay niya.

Napuri naman ang ganda niya at makikita nga sa post niya na hindi niya pinababayaan ang kalusugan at may oras pa ring mag-workout kahit busy rin siya sa kanyang sariling makeup brand.

Bongga.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with