^

Pang Movies

Sandro, takot na matulad kay Deniece Cornejo?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sandro, takot na matulad kay Deniece Cornejo?!
Sandro Muhlach

Marami na ang nakapuna, nang magsumite sa piskalya ng kanilang counter affidavit ang dalawang baklang independent contractors ng GMA 7, sina Richard Dode Cruz at Jojo Nones, mukhang nababaliktad ang lahat ng mga naunang pahayag ni Sandro Muhlach.

Sa kanilang counter affidavit ay isinama nila ang resulta ng drug test ni Sandro na nagpapatunay na iyon ay hindi nakainom o nakalanghap ng anumang droga kagaya nung sinabi nito.

Iniharap din nina Cruz at Nones ang isang medico legal report ng PNP na nagsasabing sa kanilang pagsusuri ay wala silang nakitang lacerations sa anumang bahagi ng katawan ni Sandro, pati sa kanyang private parts kaya hindi nila masasabing pinuwersa iyon, pero hindi naman nila sinabing walang panghahalay na naganap.

Samantala, ang abogado ng dalawang bakla, si Atty. Maggie Abraham-Garduque ay siya ring abogado ni Vhong Navarro nang sampahan ng rape case ni Deniece Cornejo. Nakalaya si Vhong at si Deniece pa ang nakulong.

Hindi natin alam kung ano ang kalalabasan ng kasong iyan, pero tiyak na aabutin iyan ng ilang taon din. At habang tumatagal ang kaso ay nagiging advantage iyan ng suspects.

Sharon at Gabby, may chance na rin sa movie reunion

Humingi ng mahigit na isang buwang leave si Gabby Concepcion sa GMA 7 dahil sa Dear Heart concert nila ng kanyang ex-wife na si Sharon Cu­neta sa US at Canada.

Sa ngayon hindi lang pala dalawang shows kundi walong shows na ang kumpirmadong gagawin nila, bukod pa sa sinasabing mga show sa Guam at Hawaii na maaari pang madagdag.

Noong nakarang taon pa hinihintay ang reunion concert na iyan ng kanilang love team sa US dahil naka-schedule sana iyan noong matapos ang concert sa Maynila at sa Cebu, pero nagkaroon ng problema sa parte ni Sharon kaya hindi iyon natuloy.

May sinasabi pa noon na dapat daw pagkatapos ng reunion concert ay isang reunion movie naman ang gawin nilang dalawa. Malaking bagay iyon para kay Sharon dahil matagal na rin naman siyang walang hit movie.

Gerald at Julia, para na ring live-in?

Hinahanapan na raw ng nanay niya ng apo si Gerald Anderson. Parang iyon daw ang hinihingi ng ina niya nang magdiwang ng ika-66th birthday. Sinabi pa ng matanda na hindi naman siya humihingi ng imposible sa kanyang mga anak lalo na nga kay Gerald. Kasama ni Gerald ang syota niyang si Julia Barretto sa General Santos kung saan naroroon ang kanyang ina.

Pero may balak na bang patali talaga si Gerald kay Julia? Sigurado na ba siya sa sarili niya?

Mukha namang papayag si Julia na makipag-live in sa kanyang boyfriend, kung saan-saan na nga sila nakakarating nang silang dalawa lang eh, ano ang kaibahan noon sa mag-live in muna sila?

Male star, kabisado na ang pampalamig sa ulo ng direk!

Iba rin pala ang drama sa buhay ni direk, minsan daw pagdating niya sa set ay sinasabi niyang stressed na stressed na siya sa ginagawa nilang project.

Pero basta ganoon daw ang drama ni direk, alam na ng isang male star ang solusyon doon, yayayain niya si direk sa isang sulok, ilalabas ang kanyang kaya­manan at hahayaan niyang gawin ni direk kung ano man ang gusto noong gawin pagkatapos daw malamig na ang ulo ni direk at maghapon nang makakapagtrabaho nang maayos.

Hindi naman daw nabibitin si direk dahil dalawa naman sa kanyang male stars ang nakakaalam ng sikreto.

Hindi naman kailangang pilitin ang sino man sa dalawang male stars, pareho namang suma-sideline ang dalawa bilang car fun boys at ang isa ay sinasabing boytoy pa nga ng isang high government official na bading na walang kinalaman sa POGO ha. 

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with