Aktres, Rated PG sa taping
“Rated PG” ang lihim na tawag sa female actress ng mga kasama niya sa isang teleserye dahil sa ugali nitong ayaw makihati kapag nagpapabili sila ng pagkain sa set. Rated PG as in, Patay Gutom.
May usapan kasi ang cast ng show na tuwing aabutin sila ng late sa set, maghahati-hati sila sa gusto nilang ipa-deliver na pagkain para na rin daw ito sa staff na lagi ring puyat sa set.
Pero ang kasama nilang isang female actress ay bigla na lang nawawala kapag ang pinag-uusapan ay ang pag-ambag ng pera sa bibilhing pagkain.
Kapag nangongolekta na, si female celebrity ang parating wala at nasa loob na ito ng dressing room niya.
“Magikera ang babaeng ‘yan. Kapag ambagan biglang nawawala. Pero kapag nandiyan na ang pagkain, biglang lumalabas ng dressing room!” kuwento pa ng source.
Bago pa raw magpandemya ay ganyan na raw ang ugali ni female actress sa mga dating katrabaho niya.
At least consistent daw ito sa pagiging kuripot. At ang lakas pa raw kumain kaya Rated PG ang tawag nila rito.
Liezel at Tonton, winner sa pagiging kontrabida
Sa recent campaign ng GMA Prime na Kilalanin ang Kalaban, inilabas ang online poster tampok ang mga kontrabida sa Kapuso primetime shows na Pulang Araw, Widows’ War at Asawa Ng Asawa Ko.
Nag-number one sa “most evil” female kontrabida ay si Liezel Lopez bilang ang murderous obsessed wife na si Shaira sa Asawa Ng Asawa Ko. Tinalo niya sina Angelu de Leon bilang Carmela, Rochelle Pangilinan bilang Amalia, Jean Garcia bilang Aurora, Jackie Lou Blanco bilang Ruth, Lovely Rivero bilang Vivian, at Kylie Padilla bilang Hannah.
Most evil male kontrabida naman si Tonton Gutierrez bilang ang power hungry na si Galvan sa Widows’ War. Naungusan niya sina Dennis Trillo bilang Col. Yuta Saitoh, Neil Ryan Sese bilang Lauro, at Jay Ortega bilang Akio.
- Latest