^

Pang Movies

Osang hindi na naman pinagbigyan ng mga Revilla kaya nagwawala!?

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ano na naman ang dahilan ng ngitngit ni Rosanna Roces at nagwawala siya laban sa mag-asawang Sen. Bong Revilla at Rep. Lani Mercado?

Ito naman si Osang ayaw papigil sa kalokohan. Kahit masarap na ang buhay ng kanyang apo (anak nina Jolo Revilla at Grace) sa mga Revilla, tila wala siyang kasiyahan.

Ang hinala nila, baka may hinihingi na hindi na naman naibigay.

 

Aktor na mukhang body builder at matipunong aktor na walang retoke, mga hari ng gay sites

Payo ng isang Internet queen sa kanyang kafatid, huwag munang magbabad sa mga gay sites. Malamang na matanso lang. Isang matipunong aktor ang makikitang hubad at peks man, walang retoke ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan.

Isa pang aktor na mistulang body builder ang pagkakatitigan dahil sa kanyang molang pag-aari. Ang mga mahilig na matronang  bading, ever ready na maglabas ng datrills (pera), para matikman sila. Kaya ang dalawang computer star ang pinakamabenta.

Of course may tinatago sila sa liwanag. Parehong silahis ng pag-asa ang mga artista at minsan na silang nagkapareha sa tunay na buhay!

Ang sabi nga ng aking manang na amiga, read ka ng mga spiritual at inspirational books. Recommended niya ang Gifts of the Spirit, na hindi niya alam, matagal na akong may kopya at paulit-ulit ko nang nabasa.

 

Ekstra ni Vilma, humahataw sa international filmfest

Para sa mga naiinggit sa paglahok ng Ekstra ni Vilma Santos sa mga international film festival, after the Southeast Asian competition in Singapore, makikipag-compete din ito sa 15th Rainbow Film Festival, London.

Kalahok ang Ekstra sa Best Film, Best Director, at Audience Award divisions. Makakalaban ng Pinoy movie ang mga entries from Iran, Azerbaijan, India, Sri Lanka, Iraq, at Indonesia. Walang lahok ang Bangladesh!

 

Dennis idi-display ang katakam-takam na katawan

Ready si Dennis Trillo na i-display ang kanyang katakam-takam na katawan sa isang giant billboard along EDSA o saan mang pinakahayag na kalye sa Metro Manila.

Maging traffic hazard kaya para sa mga beking nagmamaneho sa highway?

 

Luis at Angel aabangan kung tatagal hanggang 2016

Kumakalat ang siyete na gustong magpakasal nila Luis Manzano at Angel Locsin a year before the 2016 elections. Madali naman gawin ito kung sakaling magkasundo pa sila next year. Hindi kasi natin alam kung sa darating na bagyo ng kanilang affair ay maliligtasan nila ito.

Higit na convenient kasi for Luis ang magkampanya, kasama na si Angel Locsin, bilang kanyang maybahay. Higit na pagkakaguluhan sila sa Lipa.

 

Aktor biglang nag-iba ng desisyon nang manalong best new actor

Nangako si Vince Tañada na ang Esoterica Ma­nila ang kanyang huling gagawing pelikula. Nang magwagi siya bilang Best New Male Actor sa PMPC Star Awards for Movies, nag-iba na ang desisyon ng aktor.

Gusto niya kasing mag-concentrate sa legitimate stage, pero hinahamon siya ng pagkakataon. Si Vince pa naman ang taong hinaharap ang bawat challenge sa buhay.

Kapag may bagong offer na isang worth film project, tiyak na tatanggapin uli ni Vince Tañada.

 

Malaya pasok sa Top 10 ng AI

Si Malaya Watson, ang 16-year-old Fil/Am from Michigan ang susubaybayan nating mga Pinoy sa American Idol Season 13. Nakasali siya sa Top Ten na tumanggap ng standing ovation.

I Am Changing mula sa pelikulang Dreamgirls sa Songs in the Cinema theme ng AI that week ang ikinabilib sa kanya.

Ang sabi ng mga judges na sina Jennifer Lopez at Keith Urban, perfect song for her ang pinili ni Malaya.

vuukle comment

AKTOR

AMERICAN IDOL SEASON

ANGEL LOCSIN

CENTER

EKSTRA

VINCE TA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with