^

Pang Movies

Angelica, naibilin ng ina sa mister!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Angelica, naibilin ng ina sa mister!
Angelica, Ebela at Gregg
STAR/File

Naka-40 days na ang pumanaw na nanay ng aktres na si Angelica Panganiban na si Ebela.

Ipinost ni Angelica ang video ng kasal nila ng mister na si Gregg Homan kung saan nagbigay pa ng mensahe ang nanay niya at marami ang naging emosyonal dahil doon.

Hinabilin kasi siya nito kay Gregg at pinasalamatan niya ito sa pagmamahal sa anak at sa apo niyang si Amila.

Sana nga raw hanggang dulo na ang pagmamahal nito sa anak.

Inalala naman ng aktres ang paglisan ng nanay niya at nagbigay siya ng mensahe roon.

Sana raw masaya ang welcome party nito sa heaven at sana raw nakita nito ang celebration niya rito kung saan marami ang bumisita at nagpaalam.

Sana rin daw ay nakita nito ang mga luha at tawanan nila habang pinag-uusapan siya.

Hinanda raw siya nito sa maraming bagay pero hindi sa pagkawala nito.

Ang lungkot. Pero tiyak na tanggap na ‘yan ni Angelica.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with