^

Pang Movies

Kris, ‘di pinaniwalaang tatakbong senador

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, �di pinaniwalaang tatakbong senador
Kris Aquino

Fake news ang lumalabas na tsikang kaya umuwi si Kris Aquino ay para tumakbong senador sa 2025 elections.

At kaya nga raw September ito umuwi ay dahil sa filing of candidacy ngayong Oct. 1.

Hindi na kailangang magsalita pa ni Kris na hindi totoo ang tsika dahil kahit ang mga ordinaryong thinking netizens ay alam na imposible itong mangyari.

Sa kondisyon nga ba naman ni Kris ngayon ay magagawa pa nitong tumakbo? Ang priority niya of course ngayon ay kanyang health at walang wala sa isip niya ang pulitika, career o iba pang bagay kung hindi naman ito makakatulong sa kanyang paggaling.

Ito nga rin ang paniwala ng matalik niyang kaibigang si Boy Abunda.

“I doubt. She needs to be healthy muna bago siya kumandidato,” pahayag ng King of Talk in his latest interview.

Maging si Cristy Fermin ay ito rin ang pananaw. Maling-mali raw ang balitang tatakbo si Kris dahil hinding-hindi raw pababayaan ni Kris ang kalusugan at hindi rin daw para magdagdag pa ng stress na makakalala sa kanyang sitwasyon.

Sa kanyang huling post bago sumakay ng eroplano pabalik ng ‘Pinas ay sinabi naman ni Kris ang dahilan kung bakit niya kailagangang makauwi ng Setyembre at ito ay para simulan ang kanyang chemotherapy session para sa kanyang sakit ngayong Oktubre.

Anyway, hintayin natin kung papatulan pa ni Kris ang tsismis na ito pero feeling namin ay tatawanan lang nya ito.

Yasmien, naospital dahil sa pag-alaga sa anak!

Isinugod si Yasmien Kurdi sa ER (emergency room) nang magkasakit siya dahil sa pag-aalaga ng kanyang panganay na anak na si Ayesha.

Nagkasakit kasi si Ayesha at bilang ina, syempre ay si Yasmien ang personal na nag-aalaga sa kanya. Pero dahil may isa pang baby na inaalagaan ang aktres na bunsong anak nila ng mister na si Rey Soldevilla, hindi na niya kinaya at bumigay na rin ang kanyang katawan.

Ipinost ni Yasmien sa kanyang Facebook account na nagkaroon siya ng eczema dahil sobrang na-drain daw siya emotionally dahil sa pagkakasakit ni Ayesha.

“I’ve broken out in eczema all over my body. This likely happened because I was emotionally drained and had a weak immune system while Ayesha was hospitalized.

“I was rushed to the ER because my allergies were so severe from urticaria and eczema,” pahayag ni Yasmien.

Naka-steroids daw siya at may mga oras lamang kung kailan siya puwedeng magpa-dede sa kanyang bunso.

Sey pa ng aktres, akala raw niya ay siya si Darna kaya pinaalalahanan din niya ang iba pang mga magulang.

“Isang paalala kung gaano tayo ginagawang matatag bilang isang ina sa panahong kailangan tayo ng mga anak natin. Mahalagang alagaan din natin ang ating sarili upang patuloy tayong maging nandiyan para sa kanila,” sey ni Yasmien.

 

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with