Andrea prinsesa na ng kapamilya
Farewell presscon kamakalawa ng top-raÂting series na Annaliza which, in two weeks, ay mamamaalam na sa himpapawid.
Eh nagkataong birthday pa man din ng batang aktres na si Andrea Brillantes who plays the title role. Kaya double celebration para kay Andrea ang presscon.
Andrea turned 11 yesterday. At officially din na ikinabit ng business unit head ng Annaliza, si Direk Ruel Bernal, ang titulong ‘Tween Princess’’ sa kanya.
‘‘Kanyang-kanya na ang titulong iyan, henceforth. In the ten months na nasa himpapawid ang Annaliza, naka-earn siya ng followers na masasaÂbing unprecedented,†ani Direk Ruel.
‘‘It’s just a matter of time at mapapasakanya na officially din ang titulong super stardom.â€
Sa pamamaalam ng Annaliza, ani Andrea, nalulungkot daw siya na maghihiwalay-hiwalay na sila ng kanyang mga katrabaho. Mami-miss niya raw lalo ang kanyang Tatay Zanjoe (Marudo) who played her adopted father sa serye.
Naging extra close raw siya sa aktor. Kaya parang tunay niyang ama ang turing niya kay Zanjoe.
Pati nga raw ang girlfriend nitong si Bea Alonzo (whom she also idolizes) ay naging close niya.
In the course of their working relationship, marami raw nairegalo sa kanya si Zanjoe, pati na rin si Bea.
Kyline nagmamaldita
Contrary to expectations, best friends sila ng feÂllow 11-year-old niyang si Kyline Alcantara, who plays kontrabida in the series.
Samantalang sa series daw ay inaapi-api siya ni Kyline, sa tunay na buhay ay mabait daw ito sa kanya.
Kaya, tiyak, mami-miss daw niya si Kyline, who, unlike her, ay mapapasabak kaagad sa bagong series na Hawak-Kamay, kasama ang mga mahuhusay at popular ding child performers na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat, Kyline, in a separate interview, said she is preparing for the reality show The Voice Philippines (Kids) na plano niyang salihan.
Bukod kasi sa paglabas sa TV, isang theater performer din si Kyline.
Of Hawak-Kamay, it will top bill together for the first time in a series, sina Piolo Pascual at Iza Calzado.
Kaye ’di masabi kung mai-in love pa uli sa singer
At the presscon for Andrea, Kaye Abad, who plays a kontrabida, admits na, yes, break na sila ng singer na si Guji Lorenzana, who was her boyfriend for three years.
Fellow entertainment columnist Allan Diones ay pabirong tinanong si Kaye if she would choose another singer for her boyfriend after Guji.
Before Guji kasi ay na-link siya sa band vocalist member na si Chito Miranda, now the current love ni Neri Naig.
In reply to Allan’s question, ang sagot ni Kaye: ‘‘‘Di ko po alam.’’
Samantala, happily in love naman si Denise Laurel sa kanyang cager boyfriend na si Solomon Mercado.
Pero malayong magpakasal daw sila this year. Bagama’t may plano talaga siyang lumagay sa tahimik.
Happily in love rin si Carlo Aquino, who, for the first time, as Makoy in Annaliza, plays a kontrabida.
’Di na pinangalanan ni Carlo ang kanyang girlfriend dahil non-showbiz naman daw ito.
At the presscon ay nakita ko rin si Direk Gil SoÂriano na siyang creator, writer-scriptwriter, at director ng original Annaliza which top billed the late Julie Vega.
- Latest