^

Pang Movies

Takot lang magdaldal James kilala na ang secret lover ni Kris

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong recent meeting nina Kris Aquino at James Yap, naramdaman agad ng hard court hero na iba ang kasiyahan sa mukha ng kanyang former wife.

‘‘Iba ang ihip ng hangin dito ah,” sabi agad ni James. “Mukhang merong in love.’’

Say pa ng MVP, iba ang nagiging timpla kapag in love. Nagiging very understanding at mapagpatawad. Kaya maligaya siya para kay Kris na dapat lumigaya sa mahusay na pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Alam na pala ni James ang sikreto, pinipigilan lang niyang magsalita dahil baka magalit ulit si Kris sa kanya!

Aktres nagkunwaring nanglalalaki makaganti lang sa babaerong mister

Kahit caught in the act ng tunay na misis ng actor/producer ang kanyang pag-garahe ng starlet/kerida, tuloy ang garapal na pag-amin ng pabling na wala siyang kabit at mahal niya ang kanyang pamilya!

Daig pa ang binuhusan ng isang drum na tubig ang babaero nang kumalat ang siyete na boyfriend ng kanyang misis ang poging partner sa pelikula! Naglagi na siya sa sariling tahanan at nagbantay kung totoo ang tsismis kay misis. Gawa-gawa lang pala ng kanyang mga kaibigan upang makaganti ang kawawang aktres.

Lovi mahihirapang tarayan si Maricel

Ngayon pa lang tinatantiya na ni Lovi Poe na mahihirapan siyang tarayan si Maricel Soriano sa isang eksena ng pelikula.

‘‘Mataas ang respeto ko sa kanya at imposibleng magawa ko ng mahusay kung babastusin ko siya sa isang tagpo,’’ say ni Lovi.

Kung siya ang aapihin sa isang tagpo, madaling gawin ni Lovi ang umarte. Kaya dinadasal niya na hindi mabaligtad ang sitwasyon kapag nagkasama na sila.

Dennis pino-phobia sa mga matrona, AiAi walang pag-asa!

Ibinunyag ng isang close friend ni Dennis Trillo na may phobia sa mga matrona ang aktor. Kaya kahit sa teledrama o pelikula lang, imposibleng gumawa siya ng eksena sa mga veteran actress na higit ang edad sa kanya.

Sa tunay na buhay pa kaya papatol si Dennis sa mga wrangler na tulad ni AiAi delas Alas? Kahit nag-o-offer ng malaking kayamanan, house and lot, at iba pang properties, hindi makukumbinsi si Dennis.

Kung ang mag-offer kaya ay isang rich beki? Huwag sagutin ng yes dahil hindi naman kami maniniwala na mas may appeal ang mga kafatid kay AiAi, na lagi namang sexy at super bango!

Sana dumating pa ang isang tulad ni Jed Salang. Meron din namang mga banyaga na ang type ay kagandahang tulad ni AiAi.

Horror TV series sa Hollywood lalagyan ng aswang

Magkakaroon ng Pinoy monster, ang matagal na nating napapanood sa mga local horror TV and movie plot na aswang, sa popular Hollywood TV horror series ng NBC, ang Grimms.

Ipinahayag ito ng Fil/Am actor na si Reggie Lee, na kasama sa regular cast ng Grimms as Sgt. Wu. Malaki ang posibilidad na mangyari ito dahil tapos na ang script. Tatlo pang Asian actors ang nasa cast, sina Alain Uy, Tess Paras, at Preda Foh Shen.

Ang magkaroon ng aswang sa Grimms ay masasabing welcome ang Pinoy culture sa US mainstream television.

Direk Brillante magpapa-workshop na

Magsisimula ang unang Brillante Mendoza Film Workshop on March 31 hanggang April 5. Ang mga resource person in addition to Mendoza ay ang scriptwriter na si Armando Lao, cinematographer na si Trevor Hone (Australia), Odyssey Flores (Philippines), at marami pang premyadong taga-pelikula.

For particulars call: 0916-77700228 and 0917-2794755.

Tom itinago ang relasyon nina Aiza at Liza

Kaya pala nakagaanan ng loob ni Aiza Seguerra si Tom Rodriguez, matagal nang alam ng aktor ang tungkol kay Liza Diño pero wala itong pinagsabihan. Bilib ako sa pagtago niya ng sikreto. Hindi siya madaldal.

Kaya masaya si Aiza sa pagpapayag ni Tom na sumali sa kanilang kasal this January or February, in L.A. or New York.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALAIN UY

ARMANDO LAO

KAYA

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with