^

Pang Movies

Cindy, nahirapang maging ina

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Hindi naging problema kay Cindy Miranda na gumanap na isang nanay sa dalawang anak sa pelikulang Kuman Thong ng Viva Films at Studio Viva.

First mother role ito ng dating beauty queen at kahit nga hindi pa rin siya nanay in real life ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito simply because dream niya ang gumawa ng horror film.

“This is my first na mag-mother role. Gusto ko po talagang gumawa ng horror movie, at iyon ay nasabi ko sa mga boss ng Viva,” sey ni Cindy sa mediacon ng Kuman Thong held last Wednesday.

Kahit hindi pa nga raw niya nababasa ang script ay umoo na agad siya.

“Actually hindi ko pa nababasa ang story, nag-‘yes’ na ako dahil sinabi nila na, ‘There’s a horror film na gagawin sa Thailand, gusto mo ba?’ Hindi po ako nag-isip, ‘yes po.’ Hindi ko pa rin kilala ang direktor ko, kung sino ang writer ng story, I just said ‘yes,’ because I really wanted to do a horror movie. Ganoon ako ka-excited,” kwento ng aktres.

At the same time ay ipinagdasal daw niyang tama ang kanyang desisyon na tanggapin ang proyekto.

“Ganoon ako ka-excited na iba naman, sa Thailand naman gagawin at makakatrabaho ang mga Thai actors, aside from these kids.

“Sobrang excited ako at nagpe-pray ako na ‘sana okey sa akin kahit hindi ko pa nababasa, sana tama ang naging desisyon ko which is wala akong naging regret,” lahad ni Cindy.

Pero aminado rin naman siyang hindi rin naging madali sa kanya ang pagganap na ina dahil nga hindi pa niya ito nararanasan.

“Actually ang hirap po, ito ‘yung hindi ba tayo kapag humugot tayo mas madali kapag kung may experience na sa isang bagay. But this one sabi ko, paano nga ba mawalan ng isang anak eh hindi pa ako nagkakaroon ng anak?’

“Ang bigat-bigat niyon. Sabi ko hindi ko alam kung saan ako huhugot.

“Well, nawalan na ako ng minamahal sa buhay, nawala na ang daddy ko or whoever. But this one, ibang level ito. Kaya masasabi ko kakayanin ko.

“I just did my best, hinugot ko kung ano man ang masakit sa akin kasi ang hirap talaga ilagay ang sarili mo sa bagay na hindi mo pa nae-experience.

“I hope, sana naging successful ako sa pag-portray ng pagiging ina kahit hindi pa ako nagiging ina,” sabi pa ni Cindy.

Mula sa direksyon ni Xian Lim, palabas na ang Kuman Thong sa mga sinehan nationwide sa July 3.

Standee ni BINI Sheena, na-recover!

Naibalik na ang nawalang standee ng isang mi­yembro ng BINI na si Sheena Catacutan.

Matatandaang nawala sa isang mall ang standee ni BINI Sheena noong June 11 habang nagaganap ang kanilang anniversary celebration.

Sa Instagram ay ibinahagi ng grupo ang isang video na kung saan isinauli na ang standee.

“MISSION SUCCESS mga bes! #SheenaOliNa sa wakas ang #SheenaHanapHanap natin!” ayon sa post.

Nagpasalamat ang grupo sa kanilang Bloom fans club na talagang naghirap din na mahanap ang standee.

“Salamat sa lahat ng Detective BLM na nag effort mahanap ang nawawalang standee ni BINI Sheena! Dahil sa inyo, kumpleto na ulit ang #WaloHanggangDulo na BINI Standees!” sabi ng BINI.

Pinangaralan din nila ang kanilang fans na huwag lumagpas sa boundaries.

“Hoping we have all gained a valuable lesson here about the thin line between fangirling and boundaries not worth crossing. No more taking what isn’t ours ukii?” paalala ng grupo sa fans.

Ayon naman sa babaeng nagsauli, pinabalik lang daw sa kanya ang standee at paliwanag pa niya, talagang fangirl lang daw ang nakakuha na sa sobrang pagka-faney ay inuwi ang naturang display.

Natuwa rin ang Blooms na nabalik na ang standee ng kanilang idolo.

“Congrats sheena, nahanap mo na sarili mo,” sey nila.

“Nakauwi na si sheena hahahahaha,” sey pa ng iba.

Matatandaang nanawagan pa ang Star Magic head na si Laurenti Dyogi na tulungan silang maibalik ang standee ni Sheena at magbibigay raw sila ng reward sa sinumang makakahanap nito.

CINDY MIRANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with