^

Pang Movies

AiAi lumalim na ang friendship sa ex-husband ni Kris

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang saya-saya ng kuwentuhan namin kahapon ni AiAi delas Alas sa isang Japanese restaurant.

Sayang nga lang dahil panay mga off the record ang aming topic. Ang juicy pa naman ng mga kuwentuhan namin dahil nakakaloka ang kanyang mga rebelasyon.

Nag-promise ako kay AiAi na hindi ko isusulat ang aming napag-usapan. Tama na ’yung nalaman ko na matagal na silang magkaibigan ni James Yap at hindi sila basta friends dahil napakalalim na ng kanilang friendship.

Si AiAi ang gumaganap na Banak sa Dyesebel. Siya ang adoptive mother ni Anne Curtis.

Gustung-gusto ni Ai ang kanyang role pero dusa kapag nakasabit siya sa harness. Mabigat daw ang kanyang buntot na nagkakahalaga ng more than P100,000.

Nagkasama na noon sina AiAi at Anne sa pelikulang Ang Cute ng Ina Mo pero ngayon pa lamang sila magkakatrabaho sa teleserye ng ABS-CBN.

May gagawin din na indie movie ang comedienne na thankful dahil pinayagan siya ng Star Cinema. Ronda ang pamagat ng indie movie at co-producer si AiAi. Naghahanap pa siya ng aktor na makakasama niya. Si Cesar Montano ang napipisil niya pero hindi pa sumasagot ang future ex-husband ni Sunshine Cruz. 

 Ang shooting ng Ronda ang isa sa mga pinaghahandaan ni AiAi. Type na type niya ang kuwento ng indie movie na nangyari lamang sa loob ng isang araw.

Manilyn Reynes diyosang-diyosa na pinag-agawan ng matatangkad

Pinagpuyatan ko ang Got to Believe noong Biyer­nes dahil sa kagustuhan ko na mapanood ang ending ng teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi puwede na hindi ko panoorin ang katapusan ng Got to Believe para may maisagot ako kapag nagtanong ang aking alaga na si Benjie Paras na proud na proud sa role niya sa nagwakas na tele­serye ng ABS-CBN.

Bilib na bilib ako sa pagbibitaw ni Daniel ng mga dialogue niya. Klarung-klaro ang kanyang panana­lita na importante sa isang artista.

Gandang-ganda ako kay Manilyn Reynes. Natawa ko sa linya ni Ian Veneracion na hindi na siya kumakain ng fat kaya ipinaubaya niya si Mama Bear (Manilyn) kay Papa Bear (Benjie).

Diyosang-diyosa ang karakter ni Manilyn sa Got to Believe dahil pinag-aagawan siya nina Benjie at Ian. Ang ending, nagpaubaya si Ian kay Benjie at pinakasalan niya si Carmina Villarroel.

Feeling sad si Benjie sa pagtatapos ng Got to Believe dahil napamahal na sa kanya ang buong cast at production staff ng prog­rama.

Dr. Vicki at Cristalle todo-suporta sa fitness book

Dumalo kahapon sa book launch ng Eat More, Exercise Less: Your Dream Body Come True ang mag-inang Dr. Vicki Belo at Cristalle Henares.

Hindi puwedeng mawala ang mag-ina sa book-signing ni Edward dahil sila ang mga dahilan kaya nagkaroon ng katuparan ang libro.

Full support sina Mama Vicki at Cristalle kay Edward dahil ito ang fitness director ng Sexy Solutions na sister company ng Belo Medical Clinic.

Napatunayan din nila na effective ang pagpapapayat na itinuturo ni Edward sa mga kliyente ng Sexy Solutions.

Very affordable ang presyo ng Eat More, Exercise Less: Your Dream Body Come True na mabibili sa lahat ng mga bookstore, particularly sa National Bookstore.

                                          

BENJIE

DAHIL

DREAM BODY COME TRUE

EAT MORE

EXERCISE LESS

MANILYN REYNES

SEXY SOLUTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with