^

Pang Movies

Carla hindi kayang matulog na walang ilaw

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Carla Abellana na takot siya sa third eye. Takot din siya sa dilim at inaming hindi makatulog ng walang ilaw sa gabi.

Sa pelikulang Third Eye, asawa ni Carla si Ejay Falcon at nang hindi sila magka-anak ay naghanap ng ibang babae ang asawa nito. Sakaling mang­yari ito sa tunay na buhay ano ang gagawin niya?

“Patatawarin ko naman ang aking asawa kaya lang hindi ko na siya pakikisamahan. He has to learn his lessons,’’ sagot ng aktres.

Mula sa direksiyon ni Aloy Adlawan malapit nang ipalabas ang Third Eye mula sa Regal Entertainment, Inc.

Camille nagpaliwanag tungkol sa kasalan nina John at Isabel

Itinanggi ni Camille Prats, na kasama rin sa Third Eye, ang planong pagpapakasal nina John Prats at nobyang si Isabel Oli. Hindi rin daw totoo ang nakasulat sa billboard sa kahabaan ng EDSA, “Olivia will you marry me?”

“Ayaw ni Kuya na pangungunahan siya. Gusto nito na si Isabel ang unang makaalam kapag niyaya na niya itong magpakasal. Hindi si Isabel ang tinutukoy na Olivia sa billboard. Hindi rin namin kilala kung sino ’yun,” sabi ni Camille.

Challenging para sa aktres ang karakter na ginagampanan nito sa Third Eye dahil kung dati’y tinatakot siya, siya naman ang ma­nanakot this time. Asawa niya si Alex Medina at pareho silang uhaw sa dugo at laman.

Jennylyn epektibo ang dalawang katauhan

Ang galing-galing ni Jennylyn Mercado bilang dalawang katauhan sa Rhodora X. Mahusay itong nailalarawan ang pagbabagong ugali kapag nagiging si Rhodora o si Roxanne. Maganda ang feedback ng manonood sa programa dahil mahalagang mensahe ang natututuhan ng mga manonood.

vuukle comment

ALEX MEDINA

ALOY ADLAWAN

CAMILLE

CAMILLE PRATS

CARLA ABELLANA

EJAY FALCON

ISABEL OLI

JENNYLYN MERCADO

THIRD EYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with