^

Pang Movies

Starlet ginastos ang naipon sa panganganak, nakabuntis lumayas

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ang isang starlet na nagsilang naman ng baby out of wedlock, naghihinagpis pa hanggang ngayon. Simula kasi na maging kabuwanan na niya, naglaho ang kanyang boyfriend na ang sabi ay isang mayamang negosyante, pero ang  ginastos ng artista sa ospital, perang naipon niya.

Kuya Kim malusog na malusog na ulit

Naagapang gamutin ni Kuya Kim Atienza ang kanyang delikadong sakit na Guillain Barre Syndrome, kaya’t nabigyan na siya ng clean bill of health ng kanyang doctor. Pambihira ang karamdamang ito na nakaka-paralyzed at nakakamatay.

Una nang nabingit sa kamatayan si Kuya Kim nang ma-stroke siya. Sumunod ang muscle disorder na very expensive ang naging gamutan.

Ang sabi ni Kuya Kim, he is now physically and spiritually fit, kaya tuloy ang kanyang workout at health program. Nagsisil­bi siyang halimbawa at inspirasyon sa mga taong gustong maging ganap na malusog at aktibo ang buhay.

Bukod pa sa pagiging daily weatherman sa TV Patrol, co-host si Kuya Kim sa It’s Showtime and host din siya ng kanyang multi-awarded educational program na Matanglawin.

Ang kanyang mga natitirang oras, inilalaan niya sa exercise at pagtuturo sa ibang tao.

Jolina hindi nahirapang magluwal ng panganay

Nagsilang na ng healthy, 6.8 lbs baby boy si Jolina Magdangal, panganay nila ni Mark Escueta, last Tuesday.

Sa salaysay ng band leader/musician, nagpunta sila sa ospital upang magpa-ultra sound lang si Jolens. Nagpasya ang kanyang OB/gynecologist na i-deliver na ang baby boy via cesarean row.

Sa mga pinalabas na footage sa TV, masayang-masaya sina  Jolens at Mark, at tila hindi naman siya nahirapan sa panganganak.

Sarah dapat mag-ala Jennylyn

Mukhang dalagang-dalaga pa si Sarah Lahbati sa pagkakita namin sa kanyang ilang public appearances. Kung talagang nagkaanak sila ni Richard Gutierrez motherhood becomes her. Puwede na siyang magtrabaho uli sa GMA at baka magdalang habag sa kanya at iurong ang demanda.

Bakit ba si Jennylyn Mercado, naging very productive pa sa showbiz, kahit nagkaanak sila ni Patrick Garcia.

Rekorder nanalo sa France

Nagwagi ng Special Jury Prize ang Rekorder ni Mikkhail Red sa Annonay International Film Festival, France at Best Music Award last Feb. 17, Nakalaban ni Red ang marami pang first time director from Germany, Canada at Israel.

Bida sa Rekorder si Ronnie Quizon at entry sa Cinemalaya filmfest last year.

Macho aktor diretsahang inayang makipag-sex ang kaibigang starlet

Akala ng isang macho actor, easy to get ang isang starlet na very friendly at approachable. Ang mga pinakitang kagandahang loob ng aktres, na misinterpret ng aktor na malaki ang kursunada sa kanya ng kaibigan.

Isang hatinggabi, tumawag ang macho at pinapunta sa condo ang girl, at deretsang sinabing magtalik sila!

Shocked ang aktres at minura ang sabik na aktor. Simula noon, hindi na kinausap o tinanggap sa kanyang lugar ng starlet ang ilusyonado.

Liza hindi maipaliwanag ang kaligayahan sa piling ni Aiza

Hirap ipaliwanag ni Liza Dino ang kaligayahang nadarama niya habang isinusuot ang engagement ring nila ni Aiza Seguerra.

Alam nilang dalawa na darating sa kasal ang kanilang relasyon, kaya magkatulong silang pinaplano ang lahat ng detalye ng forthcoming same sex union.

Sa Los Angeles sila magpapakasal at malamang na magpasyal doon ang kanilang close friends, sa sarili nilang gastos.

Magiging very expensive kasi ang wedding, kung sasagutin pa nila ni Aiza ang gastos ng lahat ang gustong makiisa sa kanila sa very special day.

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ANNONAY INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

BEST MUSIC AWARD

GUILLAIN BARRE SYNDROME

KANYANG

KUYA KIM

REKORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with