^

Pang Movies

Showbiz Police araw-araw nang mapapanood

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na kakailanganing maghintay isang beses sa isang linggo para maging updated sa mga pinakamaiinit na tsismis at intriga dahil mapapanood na ang Showbiz Police, Lunes hanggang Biyernes, tuwing alas-kuwatro ng hapon sa TV5!

Pinarangalang best showbiz-oriented talk show ng 12th Gawad Tanglaw Awards, ang Showbiz Police ay pangungunahan pa rin ng host na si Raymond Guiterrez, kasama ang dalawang bigating showbiz insiders na sina Nanay Cristy Fermin at Direk Joey Reyes. Kukumpletuhin naman sila ng prangka at nakakatuwang TV at radio host na si Shalala at ng tambalan ng mga fashionistang sina Divine Lee at MJ Marfori. 

May mga bago at pang-araw-araw na segment ang programa na dapat aba­ngan ng mga manonood, tulad ng Daily 5 Hot Issues kung saan unang ibabalita ni Raymond ang limang pinaka-pinag-uusapang tsismis ng araw; ang Hu U na tutuksuhin nina Shalala at MJ ang mga manoood tungkol sa mga pinaka-nakakalokang blind items; at ang Shalala on the Street (SOS), kung saan naman kukunin ni Shalala ang mga opinyon at puna ng publiko ukol sa mga iba’t ibang isyu at intriga. 

Mayroon ding mga special once-a-week segments tulad ng Stylish Style-less tuwing Lunes, ang pagtsitsikahan nina Raymond at Divine sa mga fashion at style ng mga artista; ang Cornered by Cristy tuwing Martes tampok ni Nanay Cristy sa isang intimate na interview sa ilang mga pinaka-kontrobersiyal na artista; ang Direk’s Statement tuwing Martes at Miyer­         kules, kung saan tahasang ibabahagi ni Direk Joey ang kanyang pagsusuri at komento sa mga pelikulang ipapalabas sa mga lokal na sinehan; at ang WRU tuwing Huwebes, na babalikan ang ilang mga artista at personalidad na umalis na sa industriya ng showbiz.

Dapat ring abangan ang iba pang mga segment ng Showbiz Police tulad ng Fan and Fab, Ronda, Impromptu, Showbiz Throwback, Marfori Exclusives, Pay it Forward Friday, Celebrity Face-off, Housebreak, Most Wanted, at Iba Ka!

Sa bagong format na ito, angat ang mga manonood dahil una nilang mapapanood sa Showbiz Police ang mga pinakabagong balita sa mundo ng showbiz araw-araw!

 

vuukle comment

CELEBRITY FACE

DIREK JOEY

DIREK JOEY REYES

DIVINE LEE

SHALALA

SHOWBIZ

SHOWBIZ POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with