^

Pang Movies

Drama actress naagawan ng commercial kaya nagmamaasim

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagsimula na naman daw ang  dedmahan ng dalawang drama actress nang magkita sila sa isang showbiz event.

Inakala ng mga taong close sa kanila na okay na silang dalawa dahil pinag-ayos na sila ng kanilang mga manager. Pero nuknukan ng sama ng ugali si Drama Actress A (DAA) na kahit na nag-extend na ng kamay si Drama Actress B (DAB) ay dinedma pa rin niya.

Ayon kay DAB, hindi niya alam kung ano ang problema ni DAA. Ito raw ang unang hindi pumansin sa kanya nang magsalubong sila sa isang event.

Nagulat na lang si DAB nang irapan siya ni DAA. Ilang metro lang ang layo nila at tiningnan naman ni DAA kung sino ang nasa paligid niya para isnabin ni DAB pero wala naman.

Pakiramdam ni DAB ay gusto na namang magsimula ni DAA ng issue kaya umiiral na naman ang masamang ugali nito. Hindi na nga nagugulat pa ang mga kasama ni DAB dahil ’yun na ang personalidad ni DAA kahit na nagpapakabait siya kiyeme pero saksakan ng plastik naman.

Natural na ayaw patulan ang masamang ugali ni DAB dahil baka makaapekto pa ito sa image niya na gustung-gusto ng mga advertiser.

Napag-alaman ng aming source na ang ikinangi­ngitngit daw ni DAA hanggang ngayon ay ang isang malaking endorsement na napunta kay DAB. Gusto niyang siya ang maging endorser ng produkto pero ang nagustuhan ng may-ari ay si DAB.

Kalat na kasi sa advertising world ang hindi magandang ugali ni DAA kaya binabaril at sinisimangutan na ang name niya kapag ang sina-suggest ng iba.

Kaya hayan at nagmamaasim na naman si DAA dahil naungusan na naman siya ni DAB.

Buong cast ng American Hustle

nominado sa Oscars

Ini-announce na ang official nominees para sa 86th Academy Awards or the Oscars. Magaganap ito on March 2.

Ang mga pelikulang American Hustle at Gravity ang nakakuha ng pinakamaraming nominations. Tig-sampu ang nakuha nila pareho at maglalaban sila for best picture.

Nominated ang buong cast ng American Hustle na sina Amy Adams (best actress), Christian Bale (best Actor), Jennifer Lawrence (best supporting actress), and Bradley Cooper (best supporting actor). Gayun din si David O. Russell for best director.

Nominated naman si Sandra Bullock for best actress for Gravity at ang kanyang direktor na si Alfonso Cuaron.

Ang iba pang best picture nominees ay 12 Years a Slave, Captain Phillips, Dallas Buyers Club, Nebraska, Her, Philomena, at The Wolf of Wall Street.

Na-shut out naman sa anumang nominations ang critically-acclaimed film na The Butler ni Lee Da­niels. Walang nakuhang acting nomination ang mga bida na sina Oprah Winfrey at Forest Whitaker.

Snubbed din ng Oscars ang performances nina Tom Hanks (Captain Phillips), Emma Thompson (Saving Mr. Banks), Robert Redford (All is Lost), Julia Louis-Dreyfus (Enough Said), at Joaquin Phoenix (Her).

Nominated naman for the 18th time ang three-time Oscar winner na si Meryl Streep for August: Osage County.

ACADEMY AWARDS

ALFONSO CUARON

AMERICAN HUSTLE

AMY ADAMS

BEST

CAPTAIN PHILLIPS

DAA

DAB

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with