^

Pang Movies

Jennylyn gustong mag-invest nang mag-invest sa 2014, dedma muna sa mga lalaki

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bagama’t dumanas ng masakit na breakup si Jennylyn Mercado sa last quarter ng 2013, naging maganda naman ang pagtatapos ng kanyang taon dahil sa bagong seryeng dumating sa kanya, ang Rhodora X na magsisimula na ang airing ngayong Enero.

Say nga ng manager niyang si Becky Aguila, excited na ang aktres sa pagsisimula nito lalo pa nga’t sa plug pa lang ay nakarinig na sila ng mga positive comment.

Ang Rhodora X so far ay ang most challenging role na naibigay sa kanya ng GMA 7. Hindi madali ang mag-portray ng isang babaeng may split personality kaya naman she’s putting her best foot forward. Kumbaga, say nga ni Jen, “This is it!”

Ito na ’yung role na pinakakaabangan niya na talaga namang masasabing acting piece for her.

For 2014 ay sa work daw talaga magko-concentrate si Jen at hindi muna siya magbo-boyfriend. Say nga ng manager niya, ni ayaw daw mag-entertain ng suitors ng aktres at ang mundo lang ngayon ay umiikot lang sa kanyang trabaho at sa unico hijo na si Alex Jazz.

Nagma-mature na rin talaga si Jen dahil for 2014 at gusto niyang mag-invest nang mag-invest. Gusto niyang mailagay sa maganda ang kanyang kinikita para sa future siyempre ng kanyang anak.

Bukod sa serye ay may gagawin din siyang bagong album under GMA Records. Ang konsepto raw ng album ay heartbreaks para maka-relate ang mga Pinoy dahil mga senti raw tayo lalo na pagdating sa love.

 

Kris bumalik sa Manaoag!

Last Thursday ay nagpunta ng Manaoag, Panga­sinan si Kris Aquino para magsimba at magpasalamat sa Our Lady of Manaoag dahil sa breaking the record success ng My Little Bossings na first movie ng anak niyang si James “Bimby” Aquino Yap, Jr.

Nag-promise pala si Kris na babalik siya ng Manaoag kapag nag-hit ang movie ni Bimby kaya tinupad niya ang kanyang pangako.

“Stopover in Tarlac to eat, super touching! All of them just finished watching #mylittlebossings! Thank you sa aming mga kababayan for supporting #mylittlebossings... On our way to Manaoag. Nag-promise ako when I was there w/ @chinitaprincess to go back right away to say thank you if Bimb’s movie is a hit- super over ang Christmas blessing na binigay ni God kay Bimby & @ryzzamaecha­cha...,” post ni Kris sa kanyang Instagram account with matching picture.

Sa opening day ng Metro Manila Film Festival (MMFF) last Dec. 25 ay kumita ng P50.4M ang My Little Bossings, the highest gross ever ng isang pelikula sa first day of showing.

Sa second day ay nananatiling nasa No. 1 slot ang pelikula at mukhang ito na ang magiging trending.

Heard na ang total gross naman ng lahat ng pelikulang kalahok in this year’s MMFF ay P134M on its first day.

vuukle comment

ALEX JAZZ

ANG RHODORA X

AQUINO YAP

BECKY AGUILA

BIMBY

JENNYLYN MERCADO

KRIS AQUINO

MANAOAG

MY LITTLE BOSSINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with