Toni nanginginig ‘pag nadidikit kay John Lloyd! JLC payag din na pasampal kay Toni
Pagkatapos magtambal sa pelikulang My Amnesia Girl in 2010 ay muling magsasama sina John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga, but, this time, ay sa telebisyon naman sa pamamagitan ng pinakabago nilang sitcom na Home Sweetie Home sa ABS-CBN na mapapanood every Sunday starting Jan. 5.
Ito ang first sitcom nila together at una ring pagsasama sa telebisyon kaya pareho silang excited. Sa presscon nga held last Friday night, ayon sa dalawang bida, ay medyo timely ang comedy show dahil na rin sa pinagdaanang sunud-sunod na matitinding trahedya ng bansa.
“In a way, ang amin pong sitcom, gusto namin sa pamamagitan nito ay maibalik ang tuwa at ngiti sa mga Kapamilya natin na may pinagdaanan this year. Iisa lang naman ang wish naming lahat, mapasaya namin sila sa sandaling panahon na mapanood nila ang Home Sweetie Home at maibigay namin ’yung hinahanap nila sa isang programa,†saad ni Toni.
Mag-asawa ang role rito ng dalawang bida at aminado naman ang TV host/actress na at first ay may ilangan dahil ngayon lang sila ulit nagkasama after their first movie.
Sabi ni Toni, talagang lagi raw siyang kinakabahan sa sweet scenes nila ni Loydie lalo na kapag medyo dumidikit na ang mukha ng aktor sa kanya.
“Nakita naman nila, lagi akong nanginginig, hindi ko kaya ’yung ganun kalapit pero kinakaya ko naman. Kinaya ko. Tinutulungan ako nina Miss Linggit (Tan), Direk Bobot (Mortiz), ’pag nandiyan sila kaya ko,†sabi ni Toni.
’Yung napapanood nga raw sa teaser na eksena nila sa kamay ay na-reshoot.
“Two days inabot,†natatawang sabi ni Toni.
Dahil mag-asawa nga ang role nila at dahil din may kanya-kanya silang partners in real life, natanong ang dalawa kung wala bang naging problema sa kani-kanilang karelasyon (Angelica PangaÂniban and Paul Soriano) ang pagtatambal nila.
Ayon kay Loydie, alam naman daw ni Angelica na trabaho lang ito at nagpapasalamat siya for having an understanding girlfriend.
“Pareho kami. Mutual naman ’yung kagustuhan namin ni Angelica na huwag ihalo ang personal sa trabaho. Nagpapasalamat ako na ganun siya,†dagÂdag ni Loydie.
Say naman ni Toni, wala ring problema sa kanyang boyfriend at wala naman itong selos factor kay Loydie.
“Kasi kahit noon sa Amnesia Girl, hindi. Sabi pa nga niya, ang ang isa sa pinakapaborito niyang pelikula na nagawa ko ay ’yung Amnesia Girl,†pahabol ni Toni.
Anyway, during the question and answer portion ay natanong ang dalawa kung may sampalan ba sa eksena at kung papayag ba si Lloydie na pasampal na parang pahaging sa issue ng aktor kay Anne Curtis.
Say ni Toni, “Hindi ko po kayang gawin sa kanya ’yun.â€
Sagot naman ni Lloydie, “Eh kung karapat-dapat akong sampalin.â€
Singit ni Toni, “Hindi ah. Hindi kakarapat-dapat sampalin dito. Mapagmahal siyang asawa rito. Sobrang mapagmahal.â€
Tawanan lahat.
Kaya tuloy natanong na sa kanya kung ano ba ang naging reaksiyon niya nang mabalitaan niya ang John Lloyd-Anne controversy.
“Sabi ko, ‘Yehey! Tapos na ako diyan.’ Kasi hindi na ako nagda-The Buzz eh. So, parang finally I can really say na when something happens, when there’s controversy, it’s really none of my business kasi it’s not my job anymore to talk about it. So, there are some questions na tinatanong sa akin tungkol diyan but I’d rather not talk about it ’cause I’m not really involved, I’ve got nothing to do, so, ayoko siyang pag-usapan,†say ni Toni.
Never din daw nila itong pinag-usapan ng aktor.
“Actually, nang lumabas ’yun, the next day yata magkasama ’ata kami nun, hindi namin pinag-usapan,†sabi pa ng TV host/actress.
Hindi rin niya nakitang naapektuhan ang work ni Loydie dahil sa issue at say pa ni Toni, napaka-professional daw ng aktor.
Kasama rin sa Home Sweetie Home sina Rico J. Puno, Sandy Andolong, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Clarence Delgado, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Mitoy Yonting, Ryan Bang, Edan Nolan, at Eric Nicolas.
- Latest