^

Pang Movies

Gabby may hinihintay pang oras para kausapin ang isa pang anak

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mabenta pa rin sa TV at movies si Gabby Concepcion mula nang bumalik siya ng bansa pagkatapos ng unos sa buhay at career. Ngayon, wala na siyang puwedeng ireklamo.

“Kahit anong nangyari sa buhay ko, may trahedya at mga hindi magandang nangyari pagkatapos nu’ng dumating ako, walang effect eh. Nothing to be…nothing to complain about and just be thankful. Na-accept ko na ang buhay, kung talagang sa‘yo, sa‘yo! Kung mangyayari ito, mangyayari ito. There is a reason eh!

“Pero again, kahit ano’ng nangyari sa akin, I have nothing to complain about. But everything to be thankful for!” diin ni Gabby nang dumalo sa presscon ng movie niyang When The Love Is Gone.

Eh sa balitang nanliligaw si Paulo Avelino sa anak na si KC Concepcion, ano ang mapapayo niya? Gusto raw ni Sharon Cuneta na magkaapo siya kay KC.

“Just follow your heart. Isipin mo rin. Kilalanin mo rin ‘yung tao. Siyempre, hindi natin alam kung kailan mangyayari ‘yon. Just be careful,” rason ng aktor.

Problema ba sa kanya kung binatang ama ang makakatuluyan ng anak?

“Wala namang issue sa akin ‘yon. Ang importante, minamahal niya ang aking anak!” katwiran ng amang gaya ni Gabby.

Kung siya ang masusunod, anong klaseng lalaki ang gusto niya para sa anak?

“Wala naman akong…kasi lumaki rin ako’ng ganoon eh. Kahit na sino, basta nagmamahalan sila. Basta’t nagmamahalan kayo, ayos ‘yon! If you love each other, go!” diin ni Gabo.

 Basta tunay na lalaki?

“Basta tunay na pagmamahal! Kayo naman, walang ganyanan! Bigyan natin sila ng lugar para huminga at ihinga ang kanilang nararamdaman!” saad pa ng aktor.

Eh open ba ‘yung ibang anak niya pagdating sa lovelife?

“Kung open…Oo. Hindi. Si Garrie, masikreto. Pero madalas naman wala. Wala talaga!” sey ng aktor.

Bakit nga pala malapit sa isa’t isa ang mga anak niya kahit magkakaiba ang ina?

“One day, we dreamt na maging close silang lahat. One effort na ginawa ko which I think nakatulong…maski naman lahat tayo eh. When it comes to pictures, doon lang natin malalaman kung saan tayo galing. Kung sino  ang nakasama natin.

“And because of pictures, nagkakaroon tayo ng bonding doon sa mga taong nakasama natin dahil napagkukuwentuhan ninyo. Napag-uusapan.

“Somehow,  kung psychological ‘yon or what, mayroong effect ‘yon. So ako, I make it a point na kukunan sila ng pictures na magkakasama sila. So paglaki nila, hopefully, may mangyari. Hopefully, mapag-usapan nila. Hopefully may ganoon. ‘Coz they will never know na nagkasama sila kung walang pictures!

“Kung isto-istorya lang, madali ang istorya. Pero wala ‘yung visuals. Proof!” katwiran ni Gabby.

Pero kay Chloie, wala pa silang chance nagkasama?

“Wala pa. I am just waiting for the right time unlike si KC, si Garrie o si Chloie. Everybody has their time. Sa lahat ng bagay, timing lang talaga. Ito lang ang hinihintay ko! Si Chloie na lang, para makausap ko and I know it will happen. It’s just a matter of time!” pahayag pa ni Gabo.

 

vuukle comment

CHLOIE

GABBY CONCEPCION

GABO

KAHIT

KUNG

PAULO AVELINO

PERO

SHARON CUNETA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with