^

Pang Movies

Marian sa paraiso magbi-birthday kasama si Dingdong!

SVA - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinuldukan na ni Marian Rivera ang walang tigil na tsismis na lilipat siya ng Network.

Kahapon pumirma na siya ng panibagong kontrata sa GMA 7 - another exclusive three-year contract – na ginanap sa Manila Golf & Country Club sa Forbes, Makati.

Present sa contract signing ang lahat ng amo ng Kapuso Network - GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., Marian, GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, President of All Access to Artists Rams David, GMA Entertainment TV’s Officer-in-Charge Lilybeth G. Rasonable, GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar, GMA Vice President for Entertainment Marivin T. Arayata, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, and GMA Assistant Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz.

Nagpahayag ng kasiyahan si Mr. Gozon sa naging decision ni Ms. Marian sa muling pagpirma sa GMA 7. “Mahal namin siya hindi lang bilang artista kundi bilang tao dahil napakabait ni Marian. Malayo pa ang mararating ni Marian.”

Nagpasalamat naman ang actress sa patuloy na pagtitiwala at pagbibigay sa kanya ng magagandang project kung saan siya nag-umpisa seven years ago.

“Napakasarap ng pakiramdam na muli akong pumirma sa GMA dahil alam naman nating napakalaki ng utang na loob ko sa GMA dahil kung hindi naman dahil sa GMA wala namang Marian Rivera ngayon.

“Wala akong ibang pupuntahan kundi ang GMA at dito ako nabi­bi­lang, Kapuso ako at dito nagsimula ang lahat, ang Marimar, at GMA ang nagbigay sa akin nun. Walang rason na umalis ako sa GMA dahil isa lang naman ang gusto ko: ang maramdaman ang pagmamahal nila at binigay nila sa akin ‘yon. Palagi kong sasabihin na proud ako na maging Kapuso,” sabi ni Marian na magbi-birthday bukas, August 12.

Ay siyanga pala, aalis sina Marian at Dingdong Dantes nga­yon araw. Pero walang idea ng actress kung saan sila pupunta basta pinagdala lang siya ng swimwear at formal dress ng boyfriend though may idea siyang isang lugar na maituturing niyang paraiso para mag-relax.

 

 

vuukle comment

ALTERNATIVE PRODUCTIONS GIGI SANTIAGO-LARA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARTISTS RAMS DAVID

ASSISTANT VICE PRESIDENT

GMA

MARIAN

MARIAN RIVERA

PRESIDENT

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with