^

Pang Movies

Nilahad na finally sa Senado Sandro, nasaktan sa kalaswaang naranasan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nilahad na finally sa Senado Sandro, nasaktan sa kalaswaang naranasan!
Sandro

Grabe ang naganap na hearing kahapon sa pangunguna nina Senators Robin Padilla and Jinggoy Estrada.

Dama mong may trauma si Sandro Muhlach sa kanyang karanasan.

Nakapikit siya habang sinasalaysay kung anong nangyari diumano sa hotel room ng GMA contractors na sina Jojo Nones at Dode Cruz.

Pero in a nutshell, pinainom daw siya ng wine at pinasinghot ng white substance.

Pinahiga siya sa kama at doon ay hinubad diumano ni Dode ang polo niya at saka kinagat-kagat ang dalawa niyang nipple.

Si Jojo naman ay hinubad na raw ang suot niyang pantalon.

Pero sinabi niyang sobrang laswa ng mga sumunod na pangyayari kaya hindi na itinuloy ang kanyang paglalahad.

Present si Nones sa ginanap na hearing kahapon  dahil naka-detain pa rin siya sa Senado.

Si Dode naman ay naka-confine raw sa St. Luke’s BGC dahil sa Gastrointestinal Bleeding.

Aabangan ang mga susunod na kabanata dahil mas mainit pa ito sa mga teleserye.

Caloy at jowa, may talent manager na?!

Hashtag Tanggold.

Ito ay matapos ang pagkikita nina double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo and Coco Martin sa courtesy call ni Carlos sa ABS-CBN.

Dumalaw ang Filipino gymnast sa ABS-CBN noong Martes ng hapon.

Sinalubong siya ng mga executive ng network – Mr. Carlo Katigbak at Mr. Mark Lopez with Ms. Cory Vidanes.

Hanggang biglang dumating si Coco Martin at nag-photo op pa sila.

Kaya ang tanong, mapapanood na ba si Carlos sa FPJ’s Batang Quiapo?

Ang sabi actually, may talent manager na ang girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose na dating handler daw ni Coco.

Yup, ito raw ang magiging talent manager ng GF ni Carlos at baka raw pati si Carlos.

Kaya ‘wag raw magulat kung mapapanood nga sina Carlos and Chloe sa FPJ’s Batang Quiapo.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with