^

Pang Movies

Sanya, ngayon lang nag-debut

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sanya, ngayon lang nag-debut
Sanya

Ang bongga naman ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na sinorpresa ng kanyang fan club ng mala-debut-style birthday party.

Ipinost ng actress ang mga kaganapan sa celebration kung saan bongga rin ang mga damit ng mga bisita niya. Pati ang venue ay nag-effort din talaga ang mga ito na lagyan ng mga yellow decoration at sunflowers na paborito ng aktres.

Hindi nga raw akalain ng kapatid ni Jak Roberto na may hinandang ganun ang fans niya dahil akala niya ay tapos na ang birthday niya pero hindi pa pala.

Sobrang nasorpresa raw siya at hindi niya nahalata ang hinanda ng mga ito. Pati nga gown ay meron pa siya na parte rin ng sorpresa.

Nabanggit kasi niya na hindi siya nagkaroon ng debut noon kaya iyon ang naging theme ng fans niya para sa kanyang 28th birthday.

Ang masasabi lang daw ng aktres ay isa iyon sa kanyang best birthdays sa buhay niya. Huli man daw siya nakapag-debut ay naiparamdam ng mga ito sa kanya ang maging 18 ulit. Naisayaw at nakasama raw niya ang mga taong mahal niya at mahal siya.

Bago ito ay nag-recharge siya sa Bali, Indonesia kung saan niya sinelebreyt ang birthday niya. Bongga.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with