^

Pang Movies

Ahron, humirit ng exploitation

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ahron, humirit ng exploitation
Ahron ­Villena

Nagsalita na rin ang aktor na si Ahron ­Villena at inilantad ang diumano’y exploitation na naranasan niya sa kamay ng isang direktor.

Ikinuwento niya ang karanasan sa kanyang Instagram Story nitong nakaraang Sunday. Aniya ay nangyari raw ito noong baguhan pa lang siya sa showbiz.

Hindi pinangalanan ni Ahron ang direktor pero sinabi niyang nagsalita raw ito recently na matagal nang nangyayari ang sexual harassment sa showbiz industry.

“My nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyari ung mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa. Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un!” simula ni Ahron.

Kwento ng aktor, nangyari ang pangha-harass sa kanya sa shooting ng isang pelikula kung saan ay cameo role lang siya.

“Tandang tanda ko ung kelangan ko magplaster sa eksena cameo role lang ako my tumutulong na sakin sa production pero pumasok ka sa CR at pinaalis mo sya.

“Ang sabi mo pa “dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan.

“Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo,” kwento ng aktor.

Patuloy pa niya, “irerespeto kita bilang tao at direktor kasi magaling ka pero dahil baguhan pa lang ako noon 00 lang ako ng 00 kasi kelangan ko din kumita ng pera pero malamang hindi mo na maalala kasi sigurado ako hindi lang ako ang ginawan mo ng ganun.”

Never daw siyang nagsalita tungkol sa identity ng direktor bilang respeto.

“Nung ininterview ako sa fast talk noon hindi kita pinangalanan kasi my respesto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sakin hindi ako nagsalita,” sey ni Ahron.

Payo niya sa direktor, “kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun. Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganung bagay!”

Vilma, humihingi ng dasal

Humihingi ng dasal ang Star For All Seasons na si Vilma Santos dahil hindi raw maganda ang kanyang pakiramdam.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni ate Vi ang kanyang kundisyon.

“I am under the weather! Trying to be well soon.

Please pray for me!” saad ni Ate Vi.

Hindi na niya sinabi pa kung ano ang kanyang sakit but hopefully ay simpleng karamdaman lang ito.

Sa comment section ay marami naman ang nagpahatid ng ‘get well soon’ messages kabilang na ang daughter-in-law niyang si Jessy Mendiola, misis ni Luis Manzano.

“Feel better soon po, Momski!? we love you po,” komento ni Jessy.

vuukle comment

AHRON ­VILLENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with