^

Pang Movies

Hayden Kho nag-react na sa video scandal nina Chito Miranda at Neri Naig

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil sa pagsulpot ng sex video nina Chito Miranda and Neri Naig ay nababanggit na naman tuloy ang sex video ni Hayden Kho, Jr. with Katrina Halili and Maricar Reyes na nakabaon na sana sa hukay.

Kaya naman si Hayden, nagpahayag na rin ng suporta sa magkasintahan sa pamamagitan ng kanyang Twitter account dahil napagdaanan nga rin naman niya ang pinagdadaanan ngayon ng dalawa.

 â€œYour eyes are God’s gift to you. Are u going to use them to insult the Giver by watching something you KNOW you’re not supposed to watch?” tweet ni Hayden.

Sa kasalukuyan ay nagpaplano na si Chito na magsampa ng kaso sa mga taong nagkalat at nagsi-share sa Internet ng kanilang private video ni Neri. Mukhang may hinala na sila kung sino ang nasa likod nito lalo pa nga’t may mensaheng pinakawalan ang frontman ng Parokya ni Edgar, “Hindi n’yo kami matitinag.”

Matatandaang nag-issue na rin ng public apo­logy si Chito sa pamilya ng girlfriend at suportado naman sila ng kani-kanilang pamilya sa labang ito.

Maging ang manager ni Neri na si Manny Valera ay naglabas na rin ng statement tungkol dito.

“Shame on those who continue to share the vi­deo on their social networking sites. Let us not judge them. They are people in love. But it’s clear that Neri Naig’s rights were abused and violated. She did not approve or consented to the uploading of a private video,” ang pahayag ni Direk Manny V.

Sa The Buzz last Sunday ay napanood namin ang komento ng mga TV host tungkol dito at ayon kay Boy Abunda, na umaming pinanood na ang video, aniya ay hindi siya nabastusan.

“Because there was tenderness. There was love,” sabi ni Kuya Boy.

Magkasintahan ang dalawa and in love, normal lang na i-express ang kanilang pagmamahalan in the privacy of their bedroom. At kung nai-video man daw, private property pa naman daw ’yun at aksidente nga lang na may nakakuha.

In fairness to Neri and Chito, marami namang silang supporters sa labang ito lalo pa nga’t kitang-kita na may consent ni Neri sa video unlike the case of Hayden na hindi alam nina Katrina at Maricar na kinukunan sila.

Pero lesson learned pa rin ito para sa lahat ng artista na as much as possible, huwag na kasing kunan ang intimate scenes na ginagawa nila dahil hindi nga maiiwasan ang mga ganitong pangyayari na mapasakamay ng iba ang file.

JC walang demand nang lumipat kaya tinanggap ng ABS-CBN

Kasalukuyan nang niluluto ang first project ni JC de Vera sa ABS-CBN. From what we heard, posibleng ang makasama ng aktor sa kanyang unang serye sa Kapamilya ay sina Angel Locsin, Jericho Rosales, at Maja Salvador.

If plans push through, baka sa October na ito ipalabas. May pinaplano rin sa kanyang project na makakasama niya sina Kim Chiu at Xian Lim pero malamang ay sa 2014 na ito at hindi pa rin kumpirmado dahil kasalukuyan pang nasa planning stage.

Nagustuhan ng management si JC dahil wala itong demands o expectations sa network. Willing ang aktor na magsimula ulit at tanggapin ang kahit anong proyektong ibigay sa kanya.

Ang mahirap daw kasi sa ibang artistang lumilipat, may demands agad hinggil sa mga project na nais niyang gawin pero itong si JC ay wala raw ganung mga drama kaya naman naging napakadali ng negosasyon sa pagitan nila at ng manager nito na hindi malaman kung si Leo Dominguez o si Roselle Monteverde.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BOY ABUNDA

CHITO

CHITO MIRANDA AND NERI NAIG

DIREK MANNY V

HAYDEN

HAYDEN KHO

JERICHO ROSALES

NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with