^

Pang Movies

Showbiz personality nagkulong sa kuwarto at nag-iiyak, na-trauma sa sinapit sa event na sinalihan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniyakan daw talaga ng isang showbiz celebrity ang nakaraang dagok sa buhay niya sanhi ng isang event na kanyang sinalihan. Ayaw raw nitong maglalabas ng kanyang kuwarto at iyak nang iyak dahil sa sama ng loob, huh!

Eh sa payo ng mga taong malalapit sa kanya, nahimasmasan naman ang celebrity kaya muli siyang bumangon at hinarap ang reyalidad. Back in circulation na ang celebrity pero naging humbling experience ang karanasan niyang iyon pagdating sa pakikitungo sa tao.

Nagmukha tuloy hindi malusog Aktor na sikat na hindi pa katandaan, sinunggaban ang pagiging endorser ng gamot SA rayuma

Nagtataka ang ilan naming kaibigan kung bakit gamot sa rayuma at sakit ng katawan ang isa sa iniendorso ng isang sikat na medyo may edad na aktor. Pinalalabas tuloy na may edad na siya eh marami pa naman ang nagkakagusto sa kanya.

Biglang sikat ang aktor at pati nga friends namin ay gusto siyang makita sa personal, huh! Ganoon katindi ang karisma niya sa tao.

Pero maging mapili naman sila sa pagtanggap ng endorsements ng aktor. Hindi ’yung mabigyan lang ng malaki talent fee ay sunggab agad-agad ang produkto. Pinalalabas nila tuloy na matanda na ang aktor kaya need na niya ng mga gamot sa rayuma.

Sheena Halili biglang feeling sikat, lima-lima na agad ang alalay

Belong na si Sheena Halili sa mga lead star dahil sa pagbigay sa kanya ng GMA ng Binoy Henyo. Kasama man niya ang bagong child discovery ng network, still, masasabing bidang-bida na ang kaganapan sa career niya.

Kaya naman hindi na nagtaka ang press na invited sa presscon nung dumating siyang may sariling entourage ng apat hanggang limang tao, huh! Siyempre, kapag nagbibida na ang isang artista, mas maraming requirements sa damit, make-up, at iba pa. Hindi kagaya kapag starlet pa lang ang isang artista, kadalasan ay production assistant lang ang kasama.

Eh pinangarap din naman ni Sheena ang magbida dahil simula nang bigyan siya ng break ay pawang supporting roles ang natotoka sa kanya.

 â€œMatagal ko rin namang ipinagdasal kay God na magkaroon ako ng break. Masaya po ako dahil binigyan ako ng break na ipagkatiwala sa akin ang show na ito. Bakit naman ako tatanggi?,” pahayag ni Sheena sa presscon.

Kung magkakaroon siya ng anak, taga-showbiz ba o hindi taga-showbiz ang gusto niyang maging tatay ng bata?

“Ipinagdarasal ko po kay God na non-showbiz. Pero kung ang ibinigay sa akin ng God ay showbiz, gusto kong maging man of God po siya,” katuwiran niya.

So, wala nang magiging istorbo sa career niya ngayon?

Mariing sagot ni Sheena: “Wala naman po talagang istorbo sa buhay ko! Hahaha!”                                                                         

AKTOR

BINOY HENYO

NAMAN

NIYA

PERO

PINALALABAS

SHEENA

SHEENA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with